Ang Lunch. Bow.

201 5 4
                                    

Amara's POV



Pshhh. Ang ganda ganda ng araw ko kahapon eh. Bakit ba kasi isang Alexander Montevista ang nakita ko kahapon. Well sa bagay, mas okay na yun kesa kay Wilson. Buti nga at hindi na ako pinupuntahan ng lalaking yun eh. Nanggigigil ako kapag nakikita ko ang mukha niya.




"Good morning mam." Bati sa akin ng mga employees habang naglalakad ako. Tinanguan ko nalang sila at nginitian. Wala ako sa mood para magsalita. Eh baka naman masabihan pa akong suplada.




Pagdating sa office ay nandoon si Tarra at inaayos ang desk ko.



"Ay good morning ate. " Tinanguan ko lang din siya at umupo na ako sa chair ko. Lumabas na si Tarra at sinimulan ko na ang mga gawain ko. Another boring day.




Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si Tarra at may dalang coffee.




"Pakilagay nalang yan dito. Thank you." Pero ilang minuto na at hindi pa rin niya pinapatong sa mesa ko yung coffee. Tumingala ako and i raised both of my eyebrows.


"Eh ate, hindi naman po ako ang umorder nito eh. May nagpapabigay lang." I got confused. " Sino ang nagpapabigay?" Tanong ko.



"May note po na kasama yan. Eto po." Inabot niya sa akin ang card at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Dinala lang po yan sa table ko eh. Pinapaabot daw po sa inyo." Binuksan ko yung card at binasa ang nakasulat.


'Good Morning. Thank you for letting me stay in your house. ❤'

Matagal kong tinitigan ang card at nakikita kong nasa harapan ko pa rin si Tarra.


"Ehem. Ummm. You may go. Thank you." Sabi ko sa kanya at lumabas naman na siya.




Nilagay ko lang yung note sa drawer ko kung nasan yung calling card niya. Bahala siya. Di ko iinumin yan.




~~~~~~~~~~

Well, it's 11 am and kinain ko rin yung sinabi ko. Ininom ko na rin kanina. Sayang naman eh. Hindi sa sayang yung effort niya kundi sayang yung coffee. Ang mahal kaya niyan.

Weh Amara? Sa barangay ka na magpaliwanag.


Anyways, i'm done with the paperworks. And nagchecheck nalang ako ng phone ko. Maya-maya pa ay sumilip si Tarra sa glass door ko.


"Ate, may gusto daw pong makipag-usap sa inyo. Nagpaappointment po siya kanina."



"Sige, papasukin mo." Naghintay lang ako at pagbukas ng glass door, pumasok ang lalaking naghatid sa akin kanina sa trabaho, ang nagpadala ng coffee at ang lalaking ayaw ko talagang makita. Sino pa ba?



"Alex. Anong ginagawa mo dito?" I stood up from my chair. Respeto na rin dahil hinatid niya ako kagabi sa bahay ng safe.


"Nareceive mo ba yung coffee?"

"Yes. Thank you for that. You didn't have to." Tension and awkwardness in the houseee.




"I just want to ask you out for lunch." Pagkatapos niyang sabihin yun ay napayuko kaming dalawa at napatingin ako sa right side o habang siya napatingin sa left.



"I'll think about it. Sige marami pa akong gagawin. 11 am palang naman. Mamaya pang 12 ang lunch. "


"Sige. I'll wait. " Lumabas na siya at napaupo naman ako sa upuan ko. Talk about being awkward.




Sa Bawat ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon