Calli's POV
Nandito na ako sa bahay at kakagaling ko lang sa pwesto. Alas otso na ng gabi. Kanina naglunch ako kasama sila mam Amara. Oh diba? Taray. Lunch with the CEO lang ang peg. Hahaha.
Tinutulungan ko lang na maghain si lola. Pupunta dito sila Ate Pretty tsaka sila tito at tita. Dito sila maghahapunan.
"Good evening! Pretty in the houseeeee!!!!" Nagulat naman ako sa pagpasok ni ate Pretty sa pinto. Parang nakalunok ng megaphone.
"Grabe ang entrance ah. " Nilalagay ko lang yung mga kutsara at tinidor sa mesa. And tapos na. Nakaset na yung table.
"Calli! Musta na? Ang laki laki mo na tsaka lalo kang gumaganda." Siya yung mama ni ate Pretty. "Ayos lang po. Hehehe. Thank youuu. Mana sa lola hahaha." Hindi kasi kami masyadong nagkikita dahil busy din sila sa trabaho nila.
"Maupo na kayo. Kakain na." Tinulungan ko na sa paglalagay ng mga ulam si Lola at pagkatapos ay umupo na kami at nagpray tsaka kumain.
~~~~~~~~~~
Tapos na kaming kumain at nagkukwentuhan nalang sa labas sila Tito at tita tsaka si Lola. Kami naman ni ate Pretty ang nagliligpit ng mga pinagkainan.
"Kamusta naman yung pagpunta mo kanina sa opisina ni Madam Amara?" Hindi na kasi siya sumama dahil wala daw magbabantay sa puwesto.
"Ok naman. Grabe ate. Ang sosyallll. Tsaka huwag ka. May manliligaw si madam. Hahahaha. " Binabanlawan ko na yung mga plato at pinupunasan naman ni ate yung mesa.
"Eh sa ganda ba naman ni mam Amara, talagang may manliligaw yun. Hahaha."
"Pero pamilyar sa akin yung isa dun eh. Kanina ko pa iniisip nung nasa pwesto tayo. Ahhh. Yung masungit na muntik na akong mabangga. Nandun siya kanina." Parang nagulat naman si ate.
"Eh kung nanliligaw man yun, dapat hindi sagutin ni madam. Ganun pala ugali. Hahahaha. " Actually feeling ko naman hindi manliligaw ni mam Amara yung dalawang lalaki kanina. Inaasar lang talaga namin siya kanina ni ate Tarra.
Pagkatapos maghugas, naki CR lang si ate at ako naman ay aakyat na sana nung marinig ko yung pinaguusapan nila lola sa labas.
"Eh paano itong bahay? Saan kayo kukuha ng pambayad?" Narinig kong tanong ni tita kay Lola.
"Hindi ko rin alam. Pero may ipon naman kami ni Calli eh. " sagot naman ni Lola. Pasensya na po. Talagang naririnig ko dahil ang lakas ng usapan nila.
"Kaya nga tanggapin niyo na po ito. Para makatulong. " Baka may inaabot si Tito kay Lola.
Umakyat na ako sa kwarto ko at chineck yung pera na naipon ko. Hindi naman ito sapat pambayad sa bahay. Tsaka paano ako mag-aaral? Hayyyy. Andaming drama sa life.
Pagbaba ko sa sala, uuwi na pala sila ate.
"Byeee. See you nalang bukassss. " pagpapaalam nila ate habang palabas ng pinto.
"Ingat!" Sigaw namin habang papalayo sila. Sinarado ko na yung pinto at si lola naman ay dumiretso sa kusina. Kaya sumunod ako.
"La, sorry ah. Narinig ko po kasi yung pinaguusapan niyo kanina. Eto po oh. Mga kinita po namin sa pwesto." Tinignan niya yung hawak kong pera at sinara yung kamay ko.
"Ano ka ba? Para sa pag-aaral mo yan. Diba? Napagusapan na natin ito?" Umupo kami sa dining table para magkausap ng mas maayos.
"Eh La, nag-aaral nga po ako pero wala naman tayong bahay? Sige na po kunin niyo na yan. Makakapag-ipon pa naman po ako eh." Pinilit kong iabot sa kanya yung pera at tinanggap niya na ito.
BINABASA MO ANG
Sa Bawat Araw
RomanceAraw - araw, may mga taong naghihiwalay at nagtatagpo. Umiikot ang mundo. Pero paano kung sa pag - ikot ng mundo, ang dalawang taong pinaghiwalay ng panahon ay pagtagpuin ng tadhana? Started: 1-19-21 Finished: 9-23-21