Chapter 52
Lexine Gonzales
September 6 (Thursday)
Matapos ang mahabang lecture ng mixed class ay mabilis na umalis ang aming mga kaklase. Para bang ayaw na ayaw na nilang mag-stay kasama ang mga estudyante ng kaalitan na House. Gustuhin ko rin man na umalis agad dahil nauna na sa labas ang mga kaibigan ko ay mabilis akong hinarang ni Rage. Mukhang pati ang mga Royals ay nauna na rin.
Ramdam ko ang biglang pagtaas ng dugo ko sa inis at gulat ng biglaan niyang pagsulpot sa harap ko. "Hindi ka man lang ba magpapaalam?" Aniya at hinarangan ang daan palabas ng classroom.
Hindi ko mapigilang irapan ito para ipakitang kalaban ko siya dahil sa Team Battle, pero binigo ako ng mabilis na tibok ng puso ko. Peste talaga. "Hindi kita jowa. Hindi ko kailangang magpaalam sayo." Hindi ko namalayan ang mataas kong boses.
Kitang kita kong biglang napabalik si Denise para hanapin ako at nang makita niya ang sitwasyon ko ngayon ay lalo pang nagmadaling umalis. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa nakita niya o maiinis. Napapalatak na lang ako sa irita at para bang gusto kong hablutin ang mahabang buhok nito.
"Hey." Tawag nito sa akin at mabilis na nabaling sa kaniya ang atensyon ko. Pero mukhang nagkamali yata ako ng ginawa dahil nang matitigan ko na ang kaniyang mga mata ay para na akong nalulunod sa walang hanggang kawalan. Ni hindi ko na mamalayan ang paligid ko. It's as if I was looking deep in his soul.
"Hmm?" I hummed as a question.
Normal ba ang ganitong pakiramdam sa tao? O dahil lang... siya ang nakatakda para sa akin?
Nagising lang ako at bumalik sa aking sarili nang kaniyang idampi ang kamay sa aking pisngi at dumaloy roon ang mahina, ngunit nakakakiliting kuryente. Hindi ko namalayan na iba na rin pala ang tingin niya sa akin at wala sa sariling napalunok ako. Natutuyo yata lalamunan ko sa nakakalasing niyang titig.
Oh gosh. Hindi kami pupwedeng magsama sa iisang lugar lang.
Muling bumuka ang kaniyang mapulang labi at doon naman ako napatingin. It's parted a little. Damn his red lips! I love-- I hate those! Kastigo ko sa sarili.
"Why do I have to fight you?" He asked in a soothing, deep voice. He moved slowly until his forehead touched mine, and my body instantly grew weak. I can't even fight the electricity I've been feeling since he touched me. "I don't want to. Should I just... ditch the battle?" He whispered, but this time, I jumped away from him.
My heart is still racing from the sudden affection we briefly shared, and also from shock by what he said. "No." I sternly said, pointing my fingers at him. "Don't let the efforts of your teammates, of my friends, be in vain. Because I will be doing everything I can..." My lips quivered from the rising tension and annoyance. "To defeat you."
Para bang nagulat ito sa inasta ko sa kaniya base sa paglaki niya ng mata sa akin. I don't know why there's a sudden pang in my chest, as if I'm already regretting what I said. It's only for a brief moment, but the pain in his eyes was very visible and evident. I gulped the guilt away and stood there firmly. Hindi ko siya uurungan.
Napapikit na lang ito ng marahan ngunit mariin na para bang wala na siyang magawa. O kaya'y may gusto siyang gawin ngunit pinipigilan niya ang sarili.
But the moment he opened his eyes, strange chills went down my spine. His cold stare pierced through my defenses and it's as if I surrendered immediately. Ramdam ko rin ang paghina ng aking tuhod pero tinibayan ko lang ang sarili. He then opened his mouth. "Fine. I'll be looking forward to it." He said with blank emotion. He then walked passed through me but immediately stops. "Expect that I won't go easy on you, Lexine." He continued walking until I can no longer feel his presence.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...