Chapter 23: Fifth Origin 1

46 8 0
                                    

Chapter 23

Mabel Flores

"L-Lexine??" Tanong ni Denise. Mukhang siya ang unang nakahumang sa amin mula sa pagkabigla. Hindi ko na nga lang nilingon dahil halos hindi ko pa maabsorb na nasa harap na namin siya ngayon.

"L-Lexine, ikaw nga ba iyan?" Sunod na tanong naman ni Natalia. Naka-awang ang bibig na inisa-isa niya kaming tingnan sa mata, na para bang kinikilala kung totoo ba ang nakikita niya ngayon. Ilang saglit pa ay napalunok siya bago nagsalita.

"Denise, Natalia, Faith, Mabel," mahinang banggit niya sa aming mga pangalan. At nang marinig ko ang kaniyang boses, lahat ng alaala ko sa kaniya ay biglang bumuhos sa akin at naiyak na lang ako sa sobrang katuwaan.

"Ahhhh!" Malakas naming hiyaw at saka tinawid ang maliit na distansya sa pagitan namin upang maabot si Lex. Maging si Faith na di namin natulungang itayo ay nakatayong mag-isa at sumugod rin sa aming pagyakap. Napatalon talon pa kami habang magkakayakap at may pasigaw pa, hindi na mapigilan ang nag-uumapaw na kasiyahan.

"Namiss ka namin!" Tili ni Natalia at napapapadyak pa.

"Sobrang sobra! Grabe meng, saan ka ba nagpunta?" Segunda naman ni Denise sabay punas ng luha.

"Mag-explain ka ngayon din!" Biro ni Faith at napatawa naman kami sa kaniya. Naghiwalay na kami sa yakap at humarap sa isa't isa upang makapag-usap usap. Halos matawa pa nga ako dahil parehong namumula ang mga mata namin.

"Huy wag niyo nga i-pressure ang bessy natin! Baka takasan ulit tayo niyan!" Biro ko din naman at nagtawanan na ulit kami.

"Grabe kayo. Hindi ko kayo tinakasan no! Sobrang habang kuwento at hindi ko alam saan sisimulan kaya maghanap na lang muna tayo ng mauupuan para magkaintindihan tayo. Pero teka," Napatigil siya sa pagsasalita at muli kaming inisa-isa ng tingin. "Anong ginagawa niyo rito? M-May magic rin kayo?" Hindi makapaniwalang saad niya.

Ngayon ko lang rin na-realize ang sinabi niya. Kung nandito siya sa Lost World, ibig sabihin ba noon ay kapareho rin namin siya? Isa rin ba siyang element user, o ibang klase ang magic niya? I want to know. Dahan dahan kaming napatango sa kaniya bilang kasagutan.

Somehow, sa halos isang buwan naming pananatili sa Avalon University ay natanggap na namin ang katotohanang hindi talaga kami normal na mga tao, at hindi kami makakabalik sa aming mga magulang hangga't hindi natatapos ang gulong mayroon sa mundong ito.

"Pero hindi kami taga rito sa Cordinia, kundi sa Avalon kami nag-sstay." Explain ni Denise at napansin kong pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri. Napaisip tuloy ako kung okay lang bang sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit kami nandito.

"Ay talaga ba? Eh ano pala ang ginagawa niyo rito kung ganoon? Napakalayo ng isla ng Avalon mula rito at hindi kayo basta basta makakapasok sa islang ito." Nagtatakang tanong niya kaya nagkatinginan naman kaming apat at tumango sa isa't isa. Matalik na kaibigan namin si Lexine at okay lang na sabihin iyon sa kanya. Pinagkakatiwalaan namin ang isa't isa. 

"Mahaba habang kwento rin, Lex." Sagot ni Talie na napapahilot pa sa sentido, tila sumasakit na ang ulo sa lahat ng nangyayari. "Gusto mo ba na maupo muna tayo?"

Napatingin kami sa bandang gilid ng garden kung saan nakita ko ang grupo ng mga elves na nakaupo kanina. May mga kubo roon na pupwedeng tambayan dahil may upuan at lamesa rin naman.

"Tara doon tayo. Mukhang presko doon." Yaya ko naman sa kanila at nagsimula na kaming maglakad papunta doon.

Si Lexine ay parte talaga ng aming squad. Pero last eight years ay nagsabi ang mga magulang niya na mangingibang bansa daw sila upang magbakasyon. Hindi namin nakita si Lex noon sa huling pagkakataon at wala rin namang iba pang sinabi ang kaniyang magulang. Buong akala namin ay babalik rin sila ngunit dumaan na ang maraming taon pero hindi na namin sila muling nakita.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon