Chapter 54
Lexine Gonzales
September 15, Saturday
Ilang araw na ang lumipas mula nang simulan namin ang kani-kaniya naming practice, at gaya ng napag-usapan, every weekend naman kami magte-training at practice ng magkakasama.
At dahil weekend ngayon, busy ang bawat estudyante ng parehong Houses sa pamamasyal at paggagala sa City Proper, habang kaming mga kalahok naman ay busy sa pag-eensayo at paghahanda sa papalapit nang Team Battle.
Hay. Kakainggit naman sila. Isang buwan mahigit na rin kami rito pero hindi ko pa naiikot ang bayan ng Avalon.
Tahimik at halos walang katao-tao sa labas ng dorm at maging sa Hall ng House of Astron kaya't rinig na rinig ang tunog ng aking sapatos sa marmol na sahig. Mabuti na lang ay hindi nawawalan ng makakain sa cafeteria kaya't doon muna ako nag-almusal habang hinihintay ang aking mga kasama.
Napaaga yata ako ng gising. Hindi pa kasi sumasagot sila Den at Talie kaya nauna na ako sa House. Pumili lang ako ng light meal para hindi mabigat sa tiyan mamaya kapag magpa-practice na kami. Binilhan ko rin naman ng makakain si Yuan. Paniguradong pati siya ay mapapagod sa gagawin mamaya.
Nagsisimula nang lumamig ang paligid kahit alas syete na ng umaga. Nalalapit na talaga ang Winter Season. Dahil doon ay inayos ko ang suot na jacket at pants. Sa ngayon ay sports uniform ang sinabi kong attire namin para mas madali kaming maka-kilos.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at halos mabingi ako sa katahimikan. Grabe, wala man lang katao-tao ngayon. Siguro kung wala rin staff rito, malamang babalik ako sa dorm.
Yuan. Tawag ko sa aking Spirit at agad itong tumalima sa akin. Magkwento ka naman sa akin tungkol sa dati mong vessel.
Ramdam kong nagulat siya sa sinabi ko at ilang segundo pa bago siya sumagot sa akin, mukhang pinag-isipan pa. She's a strong-willed person. Marami siyang nakakabangga noon dahil naninindigan siya kung ano ang tama. Pero pagdating sa mga kaibigan at sa mga taong mahal niya, gagawin niya ang lahat kahit pa buhay niya ang kapalit. Parang ikaw.
Ako naman ngayon ang nagulat sa panghuling sinabi niya at agad siyang nilingon. Ako? Kung alam mo lang Yuan, ilang beses nang sinubukan kong umatras. Ilang beses kong naisip na takbuhan na lang ang lahat.
Pero hindi mo ginawa. Putol niya sa akin at saka tumitig na rin sa akin. Wala namang problema kung gusto mong tumakbo. Hindi kita pipigilan. Ayaw ko rin naman ang nahihirapan ka. Kung ang pag-atras ang sa tingin mo magbibigay sayo ng kapayapaan, sasamahan pa rin kita. Pero kung ano man ang gagawin mong desisyon, ang hiling ko sana, ay doon sa hinding-hindi mo pagsisisihan.
Doon kumabog ang aking dibdib.
Napakurap-kurap rin ako ng mata habang nakatitig sa kaniya. Ang weird. Kahit nasa animal form siya, pakiramdam ko nakatingin ako sa mga mata niya talaga. Hindi ko na namalayan ang luhang biglang tumulo sa akin at agad ko naman iyon pinunasan.
Sinandal ko naman ang aking ulo sa mesa katabi niya at nilingon siya. Niyakap ko rin ang mainit at malambot na katawan nito at mahina naman siyang nag 'meow' sa akin. Napangiti na lang ako sa kaniya habang inaamoy ang kaniyang balahibo.
Alam mo, Yuan, ang aga aga pinapaiyak mo ako. Sabi ko sa kaniya habang natatawa ng kaunti.
Tumingin naman ito sa akin matapos dilaan ang kaniyang kamay. Napaiyak ba kita? Hindi iyon ang intensyon ko.
Napailing-iling na lang sa kaniya at muling bumangon para ubusin na ang natitirang pagkain. Sakto namang sunud-sunod na nagdatingan ang teammates namin bitbit ang kani-kanilang mga Spirit. Pati sila Den at Talie ay naaninag ko na rin. Naglaro naman ang mga ito sa kabilang mesa dahil wala naman kaming ibang kasama.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...