Chapter 9
Natalia Garcia
Napamulat ako nang may maramdamang umaalog sa akin ng mahina at tinatawag pa ang pangalan ko.
"Huy Talie gising naaaa. Malalate na tayoooooo." sabi naman ni Bea na nasa harap ko pala. May hawak siyang suklay at pinapalo palo pa ako ng mahina.
Kinurap kurap ko muna ang mga mata ko para makapag adjust sa liwanang na galing sa bintana.
"Aray ko. Wag mo ako paluiiiin!" reklamo ko naman sa kanya habang marahan siyang tinutulak paalis sa kama ko.
"Oh basta, bumangon ka na baka di tayo umabot ng breakfast. Bilisan mo ha!" natatawa naman niyang sabi tapos ay pumunta na siya sa harap ng salamin para mag ayos.
Well, ganyan talaga. Sanayan lang yan at sanay na kami sa isa't isa. Mabait si Bea at maingay din kaya nagkakasundo kami.
Anyway, ang bilis ng panahon at pang-limang araw na pala namin ngayon. Infairness naman di ba, tumagal kami ng limang araw. Haha
Dahan dahan ko namang ibinangon ang sarili ko pagkatapos kong magmuni muni at naramdaman ko nanaman ang sakit sa buong katawan ko.
"Ouch." mahinang daing ko habang pinipilit na bumangon. Feeling ko bawat galaw ko ay hinihiwa ang katawan ko.
Narinig ko namang natawa si Bea. "Anyare sayo? Kamusta naman ang training mo nitong nakaraang araw?"
Agad na bumusangot ang mukha ko. "Nakakaloka si Ms. Yvonne. May balak yatang ilibing ako ng buhay." sagot ko naman habang madahang naglalakad papuntang cr. Huhu. Ang sakit sakit talaga.
"Haha. Oo ganun talaga yun. Nahawakan niya rin kami dati ng mga isang linggo pero napromote siya kaya lagi na siyang nasa capital noon at iba na ang nagturo sa amin. Ininvite lang sila ulit para magturo ngayon." mahaba namang litanya niya hanggang sa nakarating ako ng cr. "Haha. Ano na? Kaya mo pa? Gusto mo paliguan kita?" pang aasar niya.
"Che. Magsuklay ka na jan." sagot ko naman sa kanya at pumasok na ako ng cr para makaligo.
Hinayaan ko ang sarili kong mabasa sa ilalim ng shower habang nakapikit. Hay, hanggang kailan kaya ito? Namimiss ko na sila mama at papa. Namimiss ko na ang normal naming mga buhay.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may kapangyarihan nga kami. Na iba kami sa mga normal na tao. Na hindi na kami gaya ng dati.
But like I said, hindi pwedeng palagi akong magmumukmok. I have already acknowledged the fact that we're different. And being different isn't really bad, after all. What's bad is, being the same all over again with no improvements.
-
Nilibot ko ang mata ko sa buong pwesto ng mga Tyro para hanapin si Denise at agad ko naman siyang nakita. May kasama itong dalawang babae at nagkukwentuhan sila.
Kumaway naman siya nang makita ako. Kinawayan rin namin siya ni Bea at pumunta na kami sa kanila dala dala ang pagkain.
"Goodmorning!" bati namin sa kanila pagkalapit namin.
"Tagal niyo ah." saad ni Denise nang makaupo na kami. Hay, sa wakas, nakaupo na ulit.
"Kaya nga eh. Nakatapos na kaming kumain." sabi naman ni Agatha. Air user siya at Tyro din. Kasama ni Den. Natawa lang si Candy na kasama nila.
Isang linggo na kaming magkakasama kaya magkakakilala na rin kami kahit papaano.
"Eto kasing si Talie eh! Ang bagal bagal kumilos. Huhu. Kanina pa ako nagugutom!" pagfe-fake niya naman ng arte niya.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
Viễn tưởngThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...