Chapter 19
Natalia Garcia
GRABE! Yun ang unang word na pumasok sa isip ko.
Alam mo yung feeling na nasa ibabaw ka ng lupa at nasa mga ulap ka? Kitang kita iyon ng dalawa kong magagandang mata! Pakiramdam ko isang maling galaw ay madudulas ako sa lupa at mahuhulog eh! Ramdam ko rin ang malakas na hampas ng hangin sa pisngi ko.
"Saan na yung sundo natin?" Sigaw ni Faith. "Pambihira. Natatakot na ako dito oh!"
"Wala pa! Hihintayin daw natin!"
Ewan ko ba kung bakit kami nagsisigawan sa pag-uusap. Hindi naman kami sobrang magkakalayo. Ilang sandali pa eh nakarinig na ako ng tunog. Tunog ng isang kabayo. Hinanap ng mata ko kung saan posibleng makakita ako ng isang kabayo kaya laking gulat ko na lang ng makitang may papunta na sa direksyon naming nilalang. Nang maaninag ko yun ng maayos ay sobrang namangha ako sa ganda nila.
"Wow." Naibulalas ko nang lumapag na ito sa lupang tinutuntungan namin.
Dalawang kabayong may pakpak, Pegasus ang tawag sa kanila, at kulay peach ang balahibo nila. Sa likod nito ay isang golden carriage at may isang nagpapatakbo nito. Hawak nya ang lubid na nakakabit sa dalawang Pegasus pero bumaba na upang harapin kami.
"Magandang araw, mga binibini." Pagbati niya. "Ako si Mikael. Ako ang maghahatid sa inyo sa inyong paroroonan."
Ay. Pak! May driver ang aming golden na karwahe! Haha.
"Magandang araw rin po. Kayo po ba ang magsusundo sa amin papuntang Capital?" Tanong ni Mabs.
"Oo. Ako nga. Mabuti pa'y sumakay na kayo dahil mahaba ang biyahe." Pagkasabi ni Mikael nun ay binuksan niya ang pinto nung carriage.
Si Denise na ang unang pumasok kasunod si Faith, Mabel, at panghuli ako. Medyo naamaze kasi ako kaya inappreciate ko muna ang maliliit na carvings na design ng mismong nasa karwahe namin. Grabe! Kung gaano siya kaliit sa labas kung titignan, ganon naman siya kaluwang sa loob! Parang pwede pang humiga at magpagulong gulong.
Nakarinig ako ng isang hampas at nagsimula bang gumalaw ang sinasakyan namin. Dahil narin sa pagod at puyat ko, pati ang malamig na hampas ng hangin, ay hindi ko naiwasang mapapikit at mahulog na muli sa malalim na pagtulog.
--
Napamulat ako ng mata nang masatisfy ako sa tulog ko at kinusot kusot ko pa ito dahil sa sobrang liwanag. Nang tuluyan kong maaninag ang paligid ay namalayan kong banayad na kaming lumilipad sa ere. Puro ulap at langit lang ang nakikita ko. Sobrang ganda dito!
Nilingunan ko ang mga kaibigan ko at nagulat akong malambot na kama na pala ang hinihigaan amin. Kaya pala ang sarap ng tulog ko. Magkakatabi pa kaming apat at magkayakap pa si Denise at Faith habang ang binti naman ni Mabel ay nakadantay sa akin,
Dahan dahan kong inalis yun at umupo ako para makapag unat ng kamay. Tinignan ko ang ID bracelet ko at halos isang oras rin ang naging pag-idlip ko.
"Kamusta ang iyong pagpapahinga?" Tanong ni Mikael na nasa harap namin.
"Okay naman po. Ang sarap matulog kasi malamig ang hangin." Sagot ko naman habang nakatanaw sa labas. Grabe, nakakamangha talaga dito.
"Mabuti kung ganoon. Heto oh," tapos ay may inabot siya sa aking brown paper na may laman sa loob. "Kumain ka. Alam kong nagutom kayo."
Inabot ko naman yun at narinig kong kumalam ang sikmura ko. Err, di pa nag-aagahan eh.
"Salamat po, pero mamaya ko na kakainin. Hihintayin ko po magising ang mga kasama ko." Nilingon ko si Akira at nakitang tulog rin siya. Nakasandal sa katawan niya ang ibon na si Yuri. Ang cute naman ng dalawang ito.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...