Chapter 44
Lexine Gonzales
I blinked my eyes as I woke up in an unfamiliar room. I could hear a beeping sound but I couldn't move my head nor my body to look where the sound is coming from. Ang tanging naaaninag ko lamang sa nanlalabo kong mga mata ay ang kulay asul at puting liwanag na nanggagaling kung saan.
Where am I?
My hands felt heavy, that I have hard time trying to raise it. Namamanhid ang buo kong katawan at hindi ko rin maipagkaila na uhaw na uhaw na ako. I tried swallowing to dampen my throat pero naubo lang ako, tila ba matagal nang walang dumadapong tubig roon.
I sharply inhaled sa sakit na dulot ng pag-ubo ko. It feels like something is poking my ribs and my chest whenever I try breathing hard.
Mabilis akong dinapuan ng takot sa dibdib. Takot dahil hindi ko alam kung nasaan ako, at takot sa nangyayari sa akin ngayon. Bakit para na akong mamamatay nito sa sakit?
I was frantically trying to get myself up and thinking of ways to run, when I heard the door ticked open, showing a woman in what I think is a nurse's uniform. Gulat ang rumehistro sa mukha nito bago tuluyang tumakbo sa tabi ko upang umalalay.
"Ms. Gonzales, hindi pa kayo pupwedeng tumayo ngayon. Your vital signs are still unstable and you don't have enough strength to even stand." Aniya at muli akong ibinalik sa pagkakahiga. Hindi rin ako nakapalag, dahil tama siya. Wala akong lakas para igalaw man lang kahit ang aking mga kamay, at hindi ko maalala kung bakit nangyari sa akin ito.
Hindi ko maalala.
"I'll bring you food and water kung kakayanin mo nang sumubo at lumunok kahit kaunti. Mas bibilis ang paggaling mo sa ganoong paraan. Tatawagin ko rin ang Specialist na naka-assign sayo para matingnan ang kalagayan mo. Sa ngayon ay kailangan ko ulit i-monitor ang vital signs mo."
I followed her every movement, at hindi ko napigilang makaramdam ng gulat na makitang mula sa mga palad nito ay may lumalabas na asul na liwanag.
"W-What..." Ang unang salitang lumabas sa aking mga labi. At laking gulat ko na maging ang boses ko ay hindi ko na kilala. Mas malalim na ito at hindi ko lang alam kung dahil ba ito sa natutuyo kong lalamunan.
"Oh, this." Bahagya siyang napangiti sa inasal ko, tila nauunawaan na unang beses pa lamang akong nakakita ng ganoon. "I'm a healer and I'm easing your minor pains."
Saka ko lamang napansin na may nakakabit pala sa akin na gaya ng IV fluid at mga aparatong nagpapakita ng aking heart rate, blood pressure, and such.
Matapos lahat ng kaniyang ginagawa ay nagpaalam ito para tawagin ang sinasabi niyang specialist at para kumuha rin ng makakain. Now that I think of it, I'm kind of hungry.
Hindi naman nagtagal ay muling bumalik ang healer kanina na may dalang tray ng makakain at may kasama na rin siyang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng puting coat at napagtanto ko agad na siya ang tinutukoy nitong espesyalista.
"Hi, Lexine. I'm Klaus and I'm in charge for your over-all health." Humila ito ng upuan at tumabi sa aking kama. Inayos niya rin ang kaniyang suot na salamin at saka idinapo ang mata sa akin. "Tell me, how are you feeling? Ano ang masakit sa iyo ngayon?"
I swallowed the lump on my throat and began answering kahit na nahihirapan ako magsalita. "I'm f-fine. It's just d-difficult to speak. My throat's dry, and my c-chest is burning earlier."
Narinig kong bumuntong hininga ito ng malalim na para bang may gusto siyang sabihin ngunit hindi alam kung papaano sisimulan.
"It's because your life force and oxygen level were almost depleted the day we found you. We did everything we can to restore it back quickly, but the healing process don't work that way. It takes... time." Makahulugan itong tumingin sa akin. "Too much time."
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...