Chapter 2
Natalia Garcia
Umalingawngaw ang ingay ng school bell sa hallway tanda na limang minuto na lang ay magsisimula na ang unang period ng klase.
Kasama ko pa rin sila Denise, Faith, at Mabel ngayon dahil magkakaklase kami sa kolehiyo at magkakapareho din ng kursong kinuha. Ngunit hindi ko napigilan ang mapayuko nang marinig ang bulung-bulungan ng ibang estudyante na nasa floor rin namin. Pati na ang tinginan nila habang pinag-uusapan kami.
"Huy, guys. Chin up naman diyan!" saad bigla ni Mabel at napatalon pa ako sa gulat. "Para kayong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga itsura niyo. Hayaan niyo 'yang mga 'yan! Baka 'di masarap ulam nila kanina," aniya at ngumiwi.
Isang malalim na hinga ang ginawa ko bago siya nginitian nang pilit. Alam kong sinusubukan niya lang naman pagaanin ang loob namin. Halos dalawang linggo na rin kasi ang nakalipas mula nang mangyari ang trahedya sa cruise ship na sinakyan namin. Hindi rin namin alam paano nangyari pero nabalitaan iyon ng buong school.
Ngunit iba ang balita, chismis, sa talagang nangyari.
Ang kumakalat ngayon ay naturingan kaming mga baliw na naglalaro at naghahabulan sa gitna ng upper deck habang bumabagyo ng malakas sa dagat. Na hindi raw kami nakikinig at sumusunod sa protocol. Kaya nang matagpuan nila kami kinabukasan ay mga walang nang malay.
Take note, sa upper deck nila kami nakita. Hindi sa ilalim ng dagat.
Ibig sabihin ba no'n...
"Freaks." Sadyang parinig ng grupo ng mga kababaihang nadaanan namin katabi ng aming silid. Tila biglang umakyat ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya pero imbes na magalit ay pinili ko na lang ang mapabuntong hininga. Wala namang mangyayaring maganda kung—
"Aba't!" biglang sigaw ni Denise at akmang susugurin ang mga babae. Buti na lang ay mabilis siyang nahawakan at napigilan ni Faith bago pa man ito makalapit. Pero hindi nakawala sa akin ang pagguhit ng gulat at takot sa mukha ng isa sa kanila bago nakahumang at tumakbo papalayo.
Wow, Denise. Kahit kailan ka talaga.
"Uy girl, kalma lang. Huwag mo nang patulan 'yang mga 'yan. Tignan mo, nagtakbuhan tuloy dahil sa'yo." Hindi ko alam kung nagpapakalma ba 'to si Faith o lalong nanghihila ng galit eh. Inirapan lang siya ni Denise at binawi ang braso habang kami naman ni Mabel ay natawa ng bahagya.
Loko loko talaga kahit kailan.
Ilang malalim na paghinga pa ang ginawa namin para muling kumalma sa mga babaeng iyon. At nang makaramdam ng ginhawa ay saka lang namin napagdesisyunang pumasok sa klase.
Sa totoo lang, pagkatapos ng insidenteng iyon sa cruise ay hindi na namin iyon nagawang pag-usapan pang muli. Wala rin naman kasing naglakas loob sa amin na buksan ang topic tungkol roon.
Hindi ko alam kung dahil ba hindi nila alam kung papaano sisimulan, o natakot lang kaming lahat na maulit iyon kung sakaling pag-usapan namin. Kung may nakita man kaming kakaiba o ano, ibinaon na lang namin iyon sa limot.
Una, halos ikamatay namin ang aksidenteng iyon kaya sino ang gustong pag-usapan ang tungkol roon? Trauma lang ang aabutin namin pare-pareho.
At ikalawa, ang kakaibang pangyayaring hindi maipaliwanag. Walang kasagutan. Ang pagliwanag ng iba't ibang parte ng katawan ng mga kaibigan ko, maging ako, at ang paglabas roon ng kakaibang simbolo na halos bumaon na sa aming balat.
Maging ang tila kakaibang kapangyarihan o lakas na noon lang namin nakita at naramdaman. Ang akala ko pa ay nagawa kong makontrol ang tubig nang malunod na kami sa dagat!
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...