Chapter 22
Mabel Flores
Pagkatapos kaming kausapin ni Chief Alex sa kaniyang opisina sa huling pagkakataon ay pinalakad niya na kami upang simulan ang paghahanap ng clue kung saan naroon at kung sino ang ikalimang Origin.
Ang mahirap na parte rito ay hindi namin alam kung saan magsisimula. Sino ba talaga ang hinahanap namin? The fact na wala kaming kakilala ni isa sa islang ito at mga bagong salta lang naman kami kung tutuusin sa mundong ito, mas lalo kaming nahihirapan mag-isip.
The only clues we have are the files Chief gave us. Kailangan talaga namin ito masimulan ngayon rin!
Kasalukuyan kaming naglalakad sa streets ng Division of Avalon sa gitna ng matirik na araw. Alas dos na kasi ng tanghali. Napapunas ako ng noo sa dahil sa tagaktak kong pawis. Grabe! Pati ba naman dito ay napaka init rin.
"Guys teka! Napapagod na ako. Ang init init!" Reklamo ko naman habang nagpapaypay ng kamay sa mukha ko. Pambihira, idagdag pa na itim itong suot kong blazer. Tinanggal ko ang butones ng blazer ko pati ang ribbon at hinubad naman yun. Tanging ang red blouse na lang suot ko sa itaas. At least medyo nabawasan ang init.
Nakita kong ginaya rin ako ng mga kaibigan ko. Lumantad ang kulay asul na blusa ni Natalia, berdeng kay Denise at ang golden brown na kay Faith. Pati sila ay napapapaypay sa sarili.
"Kaya nga eh! Nauuhaw na rin ako. Hanap tayo matatambayan." Saad ni Natalia at tumango naman kami.
"Ginugutom narin ako. Punta na lang tayo sa isang restaurant o cafe, marami naman iyon dito di ba?." Segunda ni Faith. Pagkasabi niya nun ay tumunog ang sikmura ko.
"Hehe. Sorry." Sabi ko. Sabay sabay kasi silang tumingin sa akin eh. E kasi naman, ang huli kong kinain e yung kinain pa namin kaninang umaga na bigay ni Mikael.
"Tara na nga at pakainin na natin yang dragon ni Mabel sa tiyan. Haha." Pang aasar ni Denise at umabriseta sa braso ko. Nagtawanan nalang kami at pumasok sa isang restaurant na nakita namin.
"Huy baka mahal dito ah?" Si Faith yon.
Tinignan namin yung mga price na nasa itaas ng counter. Mukhang kaya naman, ang pinaka mura ay 15 points eh. May rice, ulam, soup at drinks na siyang kasama. Syempre yung mura lang pinili namin. Apat na magkakaibang putahe ang pinili namin para tikim tikim na lang haha.
Sinilip ko ang ID bracelet ko at nakitang nasa 100+ pa naman ang points ko. Hindi bale, isang linggo na lang naman at matatapos na ang buwan na ito kaya paubos na rin ang points namin. May panibago naman kaming allowance next month eh. Sana pupwedeng mag-request na taasan pa ang allowance.
Naghanap na kami na mauupuan at napili namin yung table sa may tabi ng glass window sa isang sulok. Pinaalalahanan rin kami na kailangan naming mag-ingat na walang makaalam sa dapat naming gawin. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit pero wala naman kaming ibang magagawa kundi ang umo-o.
Habang naghihintay na dumating ang inorder naming pagkain ay nagsimula kaming mag-uusap usap sa kung saan ang unang pupuntahan para hanapin ang ikalimang Origin. Masyadong malawak ang Cordinia kaya kailangang isa-isahin ang bawat lugar o distrito rito.
Bukod sa personal profiles na binigay ni Chief Alex kanina ay may mapa rin namang kasama, at least may ideya kami sa kung ano ang mayroon sa islang ito, sinu-sino ang nananahan sa bawat dibisyon, at kung ano pa na mahalagang detalye. Siguro naman hindi na kami maliligaw nito, hindi ba?
Gamit ang ID bracelet ni Natalia, sinubukan naming sulyapan ang mapa ng Cordinia na nasa hologram para mapag-aralan. Pasimple rin naming tinitignan ang ilan sa mga profiles dahil baka may makasalubong kaming Aether user pala o kakilala ng hinahanap namin.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasiThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...