Chapter 27
Mabel Flores
"Owen?!" gulat kong sigaw nang lumapag siya sa harap ko.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid at nakitang hindi lang pala si Owen ang dumating! Nandito rin sila Rage, Chase, Dustin at Caleb. Ano bang ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Alam ba nilang nandito kami?
Argh! Ang dami kong tanong!
Nagulat na lang ako ng lingunin ako ni Owen at biglang kinindatan. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi at naramdaman kong nag-iinit na yun.
"Mamaya na tayo mag-usap."
Napahawak ako sa pisngi kong alam kong kasing pula na ng kamatis ngayon, ni hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya! Tumalikod rin naman siya sa akin agad kaya siguro naman di niya nahalata ang itsura ko. Narinig kong may sinabi siya pero hindi ko naintindihan dahil na rin sa nakakairitang mga boses ng beast pero nagulat ako nang may lumabas na mga spirit particles sa harap ko at nagmaterialize roon ang isang malaking orange Tiger.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at halos habulin ko na ang hinga ko sa takot. Itinaas ko ang espada ko sa tapat niya just in case na bigla ako nitong sugurin, pero tumalikod ito sa akin na para akong binabantayan.
Mabel. Salita ni Akame sa isip ko.
Bakit, Akame?
Huwag kang matakot sa kanya. Spirit Guardian siya ni Owen at inutusan niya itong bantayan ka.
Pagkasabi nun ni Akame ay pinagmasdan ko kung paano niya nga ako iniingatan sa likod niya, hindi niya hinahayaang may mapapalapit sa akin na beast. Nanghihina ang mga tuhod ko na napaupo sa lupa. Nakakaubos ng stamina ang makipaglaban. Ngayon alam ko na kung bakit kada solo training naming ay pinapaikot kami sa malawak na field ng sampung beses.
Dapat pala sineryoso ko yun. Napatawa ako ng mahina.
Pinipilit kong imulat ang mga mata ko para panuorin kung gaano kagwapo si Owen sa pakikipaglaban. Ang cool niya sobra kapag tumatalon siya ng mataas at muling lalapag sa lupa na parang wala lang. Kung paano niya iwasiwas ang espada niya, kung paano siya magpalabas ng kapangyarihan, kung gaano kaperpekto ang mukha niya kahit pa pinagpapawisan na siya. Lalo lang iyong nagpalakas ng dating niya.
At hindi ko maipagkaila ng lahat ng yun ay biglang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang mga kabayo ito na tumatakbo ng mabilis. Ano ba tong nararamdaman ko sa kanya? Napailing ako. Hindi, hindi pwede. Imposible yun. Hindi pwedeng maramdaman ko ang ganito sa kanya, lalo pa't isa siyang Royal. At taga House of Astron.
Hindi maaari iyon. Isa lang naman akong hampas lupang Tyro. Hindi naman niya magugustuhan ang isang gaya ko kaya dapat habang maaga pa ay iwasan ko nang i-entertain ito. Tama, ganun na nga lang.
Muli kong tinignan ang lalaking pinapantasya ko at napansin kong malapit na silang matapos sa laban nila sa mga beast. Napangiti ako ng mapait. Pagkatapos nito ay babalik din naman ang dati sa lahat. Wala lang naman ito sa kanya, tutal hindi rin naman palaging magkukrus ang mga landas namin dahil magkaiba kami ng House.
Aish! Ano ba itong iniisip ko? Hindi ako to. Hindi ako ganito! Kainis!
Napapikit na lang ako dahil sa pagod. Tutal mukhang mananalo na sila sa laban ngayon. Sumandal na ako sa puno sa likod ko para ipahinga ang katawan ko. Hindi rin naman nagtagal ay nahulog na ako sa malalim na kawalan.
-
Nagising na lamang ako na may magaang pakiramdam. Feeling ko ay naging sapat ang pagtulog ko. Nangingiti akong nag-unat habang nakahiga dahil ang sarap ng tulog ko. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba. May nararamdaman akong mabigat.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...