Chapter 5
Natalia Garcia
Tahimik naming nilakbay ang mahabang daan papuntang House of Astron.
Ang akala kong sinabi ni Headmaster na nasa magkabilang dulo ng Administators Tower ang dalawang Houses ay magkatabi lang. Hindi naman niya sinabi na nasa magkabilang dulo pala 'to ng kabuuan ng school grounds!
Susme. Hindi ko akalaing mas malawak pala ang lugar na ito kumpara sa nakita ko kanina pagdating namin!
Hindi kalayuan ay natanaw ko na ang gusaling magsisilbing House namin at hindi ko mapigilang malula nang makita kung gaano katayog at kalaki iyon. Literal na mas mataas pa ito sa Adminstrators Tower! Kung hindi ako nagkakamali ay may anim na palapag iyon, pero dahil maraming sanga-sanga o connecting bridges ay hindi na ako sigurado.
(Photo Courtesy of Canterbury Cathedral in England.
A/N: Number of floors in my description might not accurately match the one in the picture, but I just wanted to show you how I imagined the architectures would be.)
"Oh my gosh," rinig kong bulong ni Denise at pareho kaming nagkatinginan sa sobrang pagkamangha, hindi makapaniwalang rito kami mag-aaral.
Gawa sa bato ang kabuuang pader ng makalumang istraktura na may mga nakaukit rin na pigura. Bakas man sa hitsura nito ang mga panahong lumipas ay hindi iyon nakabawas sa makaagaw-pansing . Ang mga salaming bintana na nakapalibot rito ay tinted rin naman kaya't hindi ko masilip kung ano ang mayroon sa loob.
Ngunit imbes na dumeretso papasok rito ay lumiko ang kasama naming si Sir Clinton at umikot. Takang napatingin na lang kami sa malapad niyang likod at sinundan siya kung saan man kami pupunta.
At saka ko lang namalayan ang isa pang gusali na nakatayo rin naman sa likod ng mismong House of Astron. Para iyong mansiyon sa paningin ko dahil sa kulay puti at gold nitong pintura. Ang mga halaman at iba't ibang uri ng bulaklak sa paseo ang nagbigay kulay naman sa kabuuan.
Tiningala ko ang mataas na sikat ng araw at hindi nakapaglagpas sa aking tingin ang watawat ng school na nakapinta sa ikatatlong palapag ng gusali, sa siyang pinakataas na palapag.
Namamangha kong nilibot rin ng tingin ang paligid at hindi ko napigilang mapahinga ng malalim nang umihip ang malakas na hangin mula sa— gubat! May gubat sa harap ng bahay na iyon at imbes na matakot ay labis akong natuwa.
Bihira akong makauwi sa probinsya namin noon kaya't palagi akong nae-excite na makakita ng maaliwalas na gubat. Bagaman makapal ang mga dahon ng magkakatabing puno roon, hindi nito napigilang harangin ang malakas na sinag ng araw.
"Ito ang dormitory ng mga estudyante ng House of Astron. Sa ngayon ay wala pang masyadong tao dahil oras pa ng klase," saad ni Sir Clinton at bumalik ang atensyon ko sa kaniya. Tinuro niya rin ang pintuan kaya't sumunod kami sa kaniyang hakbang. "Tara sa loob."
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...