Chapter 35: Elemental Bonds

35 5 1
                                    

Chapter 35

Owen Matthews

Napahalukipkip ako ng dalawang kamay nang sumandal sa upuan. Nilibot ko ang tingin sa kanilang apat at parepareho kaming malalalim ang iniisip, base sa pagkakakunot ng kanilang mga noo. Nasa isang tagong classroom kami ngayon sa ikalimang palapag ng Administrator's Tower.

"Ibig mong sabihin, kayo rin ay nakakaramdam ng ganoon sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Caleb kaya napalingon kami sa kanya. Tumango ako. Hindi ko pa ikinukwento sa kanya ito noong una dahil alam kong hindi normal na makaramdam ng gayon. Akala ko nag-iisa lang ako. Hindi pala.

Nag-angat ng ulo si Dustin at nagsalita habang nakakuyom ang mga palad, "Noong una palang na madampi ang balat ko sa kanya, I know something's not right. Kakaibang kuryente ang naramdaman ko, at simula nun, I've always been aware of her. Alam ko kung malapit lang ba siya, kung nasa palagid lang. It's... it's all new to me." Binulong niya ang huling mga salita sa sarili.

Lalo akong napaisip sa sinabi niya. Parehong pareho kami ng nararamdaman. The feeling of her being close to me, iba talaga ang dulot nun. Totoo ang sinabi niya, I was always aware of Mabel. Nakakatawa lamang, pare-pareho kaming Royals ng magtunggaling House, pero nakikita namin ang kahinaan ng isa't isa.

"Anong sabi ng tito mo tungkol rito, Rage?" Tanong naman ni Chase na katabi niya. Nakapaikot ang aming mga upuan sa isang sulok. Si Caleb, Ako, Dustin, Chase, at si Rage. Kanina pa siya tahimik at tila nakikinig lamang sa pinag-uusapan.

Mukhang mas malalim ang iniisip niya kaysa sa amin. Tinignan niya kami isa isa bago umiling. "Not much. Alam ko na nagulat siya at hindi niya nagustuhan ang sinabi ko so he just stayed still. But knowing my uncle, marami siyang alam sa bagay na yun. Yet he kept quiet." ani sa seryosong tono.

So we'll have to research about this? Dapat bang magtanong tanong kami sa professors? Kay Azure? No. Maghihinala sila kung magtatanong kami ng ganon, lalo pa't hindi normal ang makaramdam ng ganito.

"Kani-kanino ninyo nararamdaman yung ganun? Ang akin ay si Mabel." I asked them kahit na obvious naman. Pero I wanted to make sure, gusto kong marinig mula sa kanila to avoid confusion.

"Si Faith." Saad ni Caleb.

"Denise ang sakin." Mahinang sagot naman ni Dustin.

Lumingon naman kaming tatlo sa dalawang lalaking tahimik lang sa kabilang side. Ang palad ni Chase ay nakakakuyom kaya napakunot noo ako.  Hinintay naming may magsalita sa kanilang dalawa.

Bumuntong hininga si Chase bago binanggit ang pangalan ni Natalia. Tumango naman si Rage at saka sinabi ang pangalan ni Lexine.

Something's off with these two. Bakit parang hindi sila sigurado sa sinasabi nila? Gayun pa man ay tumango lang ako at hindi pinahalata na may napapansin na ako.

Muli ay sinubukan naming isipin kung ano na nga ba itong nararamdaman namin. But then something suddenly struck me at hindi ko napigilang magulat sa naalala. I held my head with my right arm as I was trying to remember those things from long time ago.

"Owen? Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Caleb. I didn't answer him.

My memories from those times were hazy, marahil dahil bata pa ako nang marinig ang kuwento na yun. I played back all of those scenes in my head hanggang sa maalala ko kung ano yun, and when I realized that I was on the right timeline, I stopped. I was already breathing heavily as I listen, once again, to those voices.

... partner awareness ...

... strange chills ...

... connected minds ...

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon