Chapter 36 Challenge Accepted

39 4 0
                                    

Chapter 36

Mabel Flores

"Let her go, you idiot." Isang iglap ay nawala na ang lalaking nakahawak sa akin, at natagpuan ko nalang sa sahig na nakahilata.

Napaatras akong lalo sa gulat dahil sa bilis ng pangyayari. One time Knight is in front of me, and then the other, Owen was there.

"Owen, calm down." Rinig kong saad ni Caleb. Gulat akong napalingon sa kanya. Nakalapit na siya ngayon kay Owen, bagaman hindi niya ito hinahawakan ay nakaabang pa rin ito para pigilan siya.

"Kalmado ako, Caleb." Owen said in a low but cold tone. But for me it was deadly.

A-ano bang nangyayari? Paano sila napunta  agad dito?

"A-anong ginagawa niyo rito?" Nahihintakutang tanong ko sa kanila. Nilibot ko ang mata ko at nakitang sina Rage, Dustin at Chase ay nasa may pintuan na rin, nakaabang sa pwedeng mangyari.

Walang sumagot kahit na isa sa kanila. Napalingon ako nang dahan dahan namang tumayo si Knight nang nakangisi mula sa pagkakaupo. Tila balewala ang suntok na iginawad sa kanya ni Owen.

Hala bakit ganito? Bakit parang anytime eh bigla nalang may sasabog na away sa tinginan palang nitong mga ito?

Pero napatalon ako sa gulat nang muli akong higitin ni Knight sa wrist at hilain sa gilid niya. T-teka teka!

Dahil sa panghihina ay hindi ko napigilan ang sarili ko at napatianod nalang sa paghila ni Knight. Ano bang problema nito? Bakit ba feeling close siya?!

"Hindi mo ba ako naririnig? Let her go." Owen said mercilessly. I looked at him and I can see his cold and blank stares. Pati ako ay nanlamig sa paraan ng pagtingin niya. Kaya lang natatakot ako na baka kung saan pa ito umabot kaya't hinihintay kong bumaling siya sa akin para man lang mapakiusapan ko sya.

Owen please, look at me. Please stop this.

Knight looked at him with the same intensity, ngunit may aliw sa tono at sa mata. "I don't take orders from you, Astron. Mind your own business."

Owen's jaw clench at hindi na ako mapakali dahil baka kung saan pa umabot ang away ngayon. Sa sukatan palang ng tingin nila para na silang nagpapatayan eh!

"Knight please, bitiwan mo na ako.." mahinang bulong ko sa kanya para siya lang sana ang makarinig ngunit hindi niya ako pinansin ni binalingan man ng tingin. Ano ba naman yan!

"Anong kaguluhan to?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at lalong nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon. Oh no. Sana huwag na silang makisali sa gulo.

Napansin ko rin na lumapit na ang tatlo pang lalaki na sina Rage mula sa staircase hangang sa kung nasaan kami. I smell war. Lahat ay naglingunan sa bagong dating ngunit si Owen at Knight ay matalim paring nagtitinginan sa isa't isa.

"Get. Your. Filthy. Hands. Off. Her. You hear me?" Kalmado pa rin na pagkakasabi ni Owen, na para bang kanina lang ay hindi niya ito sinuntok. Pero nararamdaman ko, sa likod ng pagiging kalmado niya, ay ang nagwawala niyang emosyon. At ayaw kong mangyari yun. I just want to get out of here with him.

Knight smirked. "You have no official standing here. It's between us, Luna." Imbes na pakawalan ako ay humigpit bigla ang hawak sa akin ni Knight kaya't hindi ko na napigilang mapainda sa sakit. Kanina pa ako pagod, at kanina pa rin niya hawak ang palapulsuhan ko. Nag-iinit na iyon at namumula dahil sa higpit ng hawak niya.

"Ahh..." mahina kong daing at napapikit ako ng bahagya. Parang namamanhid na kasi iyon.

Pero narealize ko na mali pala ang ginawa kong reaksyon dahil bumaling sa akin ng tingin si Owen, at nakikita ko ang halu-halong emosyon nya through his eyes.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon