Chapter 51.5
Lexine Gonzales
"What can you say about your friends in Luna?"
Nagawi ang tingin ng aking mga kasama sa akin nang tanungin sa akin iyon ni Kuya Sef. Nilingon ko rin naman muna sila Denise at Talie at tumango kami sa isa't isa. Pagkatapos ay ibinalik ko ang aking atensyon sa mga pares ng matang naghihintay sa sagot ko.
I cleared my throat first before speaking. "Faith is an Earth user while Mabel is in Fire class. However, both of them are element controllers. At kung hindi ako nagkakamali, si Knight Jackson mismo ang training partner ni Mabel, kaya sigurado akong mas malakas na siya ngayon. She can now create big and small attacks. At sa pagkakaalala ko, natalo niya pareho ang nakalaban niya noong examination."
Lihim na napatingin ako sa gawi ni Owen na kalmado at tahimik na nakikinig sa akin. Nang magtama ang mata namin ay tinaasan naman niya ako ng kilay. Napailing-iling na lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin talaga mabasa kung ano iniisip niya.
Pero infairness, mukhang naka-move on na siya ah. O baka dahil nabuo na rin naman ang bond nila kaya hindi na ito masyadong nag-aalala? Sus, edi sila na talaga!
"Ganoon rin naman ang kaso ni Faith sa naging exam nila sa Earth class at sa totoo lang ay nahirapan daw ang mga nakalaban niya sa kaniya. Kung si Mabel ay nag-iisip mabuti bago umatake, kabaliktaran siya ni Faith." I looked straight in their eyes. "She's unpredictable. You'll think she's attacking at random paces, but its actually a pattern you'll never think of. She's always fired up, no matter what."
Nakuha naman ni Caleb ang atensyon ko nang ipagkrus niya ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib at malawak na napangiti, para bang iniisip niya ngayon ang ka-match. He looks excited and proud at the same time. Pero nang napansin niyang inaasar ko siya sa tingin ay bigla itong umayos ng tayo at pinanlakihan ako ng mata.
"Wow. Kakaiba rin pala ang mga Tyro na kasali sa Team Luna. May panglaban talaga sila sa atin." Sagot bigla ni Jade sa akin na siya ko namang tinanguhan.
"How about the other two Tyros? Coleen Galia and Steven Chiu?" Tanong muli sa amin ni Kuya Sef.
Nagtaas ng kamay si Sanya at sumagot. "Sa pagkakaalala ko kay Coleen na kabilang sa Water Class, ang special ability niya ay Acid Manipulation. Naalala ko nang makasalubong ko sila noon sa Administrator Tower at yun ang pinag-uusapan nila. I just don't know how strong it is."
"How does her Acid magic work?" Wala sa sariling tanong ko sakaniya.
Saglit siyang napaisip bago sumagot, tila inaalala kung ano ang nangyari nang araw na iyon. "She can melt almost everything she touches with her hands." Hindi ko alam pero lahat yata kami ay nagulat sa sinabi niya. Biglang nabalot ng katahimikan ang lugar at tanging ang mabibigat na hinga lang namin ang naririnig. I unconsciously gulped. "But there's still limitation. Depende pa rin iyon sa kung ano ang hahawakan niya. Kung piece of paper, malamang mabilis niya iyon matutunaw. Pero kung metal, it will take some time. And it still depends on her strength."
Napatikhim ako bago magsalita. "She's right. In every special abilities, there are always limitations and compatibility issues. We just need to figure out what are those." They all nodded at me and I sighed in relief.
I shouldn't relax and underestimate our enemy. They were chosen personally by Rage, of course, hindi yun puchu puchu lang. And as for us, we need to step up our game.
I breathe in the cold air deeply at ibinalik ang focus sa ginagawa naming meeting.
"Um..." Bulong ni Logan at sabay sabay kaming tumingin sa kaniya. Minsan nagugulat na lang ako na magsasalita na siya dahil di mo maririnig yung premise niya. Tumango ako sa kaniya kaya tumayo na ito. "I know Steven. We were seatmates at mixed class. He--He can solidify Air by manipulating molecules of air particles. But not all because he needs certain distance. Kapag masyado nang malayo, then he can't activate it. Ahhh.. it's complicated..." Mahinang tugon nito at lahat kami halos nakadukwang na sa kaniya para marinig lang siya.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasíaThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...