Special Chapter: Lexine

43 8 2
                                    

Special Chapter

Lexine Gonzales

Napamulat ako ng mata pero agad ko ring pinikit nang masilaw sa liwanag kaya kumurap kurap muna ako para makapag adjust. Nilibot ko ng paningin kung nasaan ako pero hindi pamilyar sa akin ang lugar. Teka, nasaan ba ako? Ano ba ang nangyari?

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari. Ang mga kaibigan ko, ang Divine General, ang misyon, sila Yuan, ang mga beasts, at sina...

Nalipat ang mata ko sa bulto ng taong nakaupo pala sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Nakaupo ito sa isang stool chair, magkahalukipkip ang dalawang kamay, at nakayuko habang natutulog. Kinilala ko kung sino yun pero nang kumalabog bigla ang dibdib ko ay napatakip na ako ng bibig.

I know its been a long time, three years ago, to be exact. Pero walang gaanong nagbago sa kanya.

Dark hair, thick eyebrows, powerful jaw, pointed nose and --red lips. Napalunok ako bigla. His muscly and manly built, giving an aura of arrogance yet powerful and strong. Napaupo ako sa kama at pinakatitigan ang gwapong mukha nito.

"Rage.." I breathe. As if on a cue, bigla itong nagmulat ng mata at nag-angat ng tingin. Tila naestatwa ang buo kong katawan at hindi na tumigil ang puso ko sa pagkalabog.

His intense stares were giving chills on my spine at hindi ko alam kung makikiliti ba ako sa damdaming dulot nun. Tila ba nanunuri at kinikilala ang bawat himaymay ng pagkatao ko. Napalunok ako nang biglang may bumara sa lalamunan ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa, para bang mga mata lang namin ang nag-uusap. Gosh! Hihimatayin na yata ako! Nanginginig ang mga kamay kong magkasalikop ngayon sa tindi ng nararamdaman ko. Halos kulangin ako ng hangin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Kinurot ko ang mga daliri ko at ako na ang unang nagbitaw ng tingin. Hindi ko kayang sabayan ang pagtitig niya kaya umiiwas ako na magsalubong na muli ang aming paningin.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nakayuko at pinipisil pisil ang aking kamay. Pambihira, bat biglang pinagpawisan kamay ko. Di naman ako pasmado ah!

Halos ilang minuto rin ang lumipas pero wala akong narinig na sagot. Hello? Hangin ba kausap ko? O nananaginip lang ako na nandito siya?

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin para siguraduhing hindi nga ako namamalik-mata na siya nga ang nakita ko. Pero nang magsalubong na muli ang aming tingin ay gayon na lang ang kalabog ng dibdib ko dahil nakatitig pa rin siya sa akin, tila nanunukat.

"Are you talking to me?" ani sa malalim na boses. Napasinghap ako ng marinig ang boses niya. Hindi nga ako nananaginip.

Damn! I miss his voice.

Napatikhim ako sa inasal niya at tinatagan ang loob ko. Nag-angat ako ng kilay at nakipagsukatan ng tingin. "Malamang. Tayong dalawa lang naman ang andito." Pagtataray ko sa kanya. Grabe! Kahit magtaray-tarayan ako eh kinakabahan pa rin ako! Bakit ba ganito ang dulot niya sa akin?

He smirked. Dahan dahan siyang tumayo mula stool at napatuwid ako ng upo ng bigla niyang itungkod ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit niya. I don't know how many times I gulped pero ramdam kong namumula na ang mukha ko sa hiya at pinagpapawisan na ako ng sobra sa ginagawa niya. Omg. Airconditioned naman rito di ba?

I felt his hot breathe on my face and it smell like mint. Bwisit Lexine. Huwag mo amuyin!

"Ang dapat kasi, nakatingin ka sa kausap mo. Para alam nilang sila ang kinakausap. Now, ask me again." Usal niya. Grabe ang pang-cocorner niya sa akin na maging ang pagyuko ay hindi ko magawa dahil sa pwesto namin.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon