Chapter 20
Faith Tuazon
Pinapasok kami ni Ms. Nori sa isang pinto at pagkakita ko sa loob ng silid ay isa lamang iyong malawak at empty room. Kulay puti ang pintura at wala man lang kahit bintana o ano. Itong pintuan lang talaga ang entrance and exit.
Napayakap naman ako braso ni Mabel dahil to the highest level na ang kaba ko! Grabe!
"Alright, ladies. Bago ko kayo iwanan sa loob ng kwartong ito, ay bibigyan ko muna kayo ng mga instructions." Panimula ni Ms. Nori sa amin at nakinig naman akong mabuti.
"Hm, ano nga ba ang dapat kong sabihin?" Napaisip pa siya ng matagal kaya kuntodo naman ang kaba ko. Bilisan mo na maam at nang matapos na to!
"Ah! Naisip ko na! Dapat ay makalabas kayo ng buhay. Yun lang!" Tapos ay nginitian niya kami ng malaki at lumabas agad ng kwarto.
"What?!!" Sigaw agad ni Mabel. Iritado siyang nilibot ang paningin. Pero pagkasarado ng pintuan ay biglang dumilim! As in wala akong makita! It was pitch black. Hinigpitan ko ang kapit ko kay Mabel pero nagulat na lang ako ng wala na pala akong hawak! Napaatras ako ng kaunti at muli kong nilibot ang tingin ko. Puro dilim talaga!!!
"Ayoko sa diliiiiiiiim!" Sigaw ko at napapa-padyak pa sa takot.
Ano ba naman yan! Lalabas na nga lang ako.
Umatras ako ng umatras ng nakapikit. Alam ko kasing nasa likod ko lang yung pintuan kanina eh. Pero parang ang layo na ata ng naatrasan ko? Bakit wala pa din yung pinto? Atras lang ako ng atras eh.
Minulat ko na ng dahan dahan ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko. I am not in the room anymore. Tinignan ko ang paligid ko at para akong nasa isang disyerto. Ay hindi, nasa isang lugar ako. Pero walang mga tao, may mga bahay at tindahan sa paligid pero, pero parang abandonado na ang mga iyon. Ako na lang ba buhay rito? Itiningala ko ang ulo ko at ang orange na kalangitan ay nagbigay ng nakakatakot na ambiance sa lugar. Abandonadong lugar nga ito!
"M-mabel?" Tanong ko kasi baka nasa paligid lang siya. Sigaw ako ng sigaw pero wala akong narinig na sagot, "Nasaan ka na?!"
Ano ba yan! Nakakatakot naman dito!
Naglakad ako ng dahan dahan para sana maghanap ng kung ano man ang makikita ko na mahalaga. Nasaan na ba kasi ako? Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang lugar na walang kabuhay buhay. Pati ang mga puno ay walang dahon.
Maya maya ay nakarinig ako ng kaluskos kaya agad akong napalingon sa kanan ko. Dun ko kasi narinig iyon eh. Natatakot man ay hinakbang ko ang mga paa ko papunta roon.
"M-may tao ba jan?"
Wala. Walang sumagot. Pero nakarinig pa ulit ako ng kaluskos kaya agad kong nilapitan yun. Sa may eskinita! Pumunta ako dun at nakakita ako ng tao! Mga tao! Tatlo sila. Nakabihis pambahay sila. Naka shorts na hanggang tuhod at simplemg tshirt lang. Tatlo silang lalaki! Nabuhayan ako ng pag-asa at agad na nilapitan sila. Sa wakas! May makakatulong sa akin!
"Magandang araw po! Gusto ko lang po magtanong." Bati ko paglapit ko sa kanila. Pero nagtaka ako kasi di nila ako pinapansin. Ano ba yan? Baka naman english speaking itong mga to.
Kinalabit ko na yung isa. "Hi! Hello! I just want to ask--" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil bigla itong tumingin sa akin. Halos matulos ako sa kinatatayuan ko at manuyo ang lalamunan ko nang makita ang nasa harap ko. Lumingon na silang tatlo sa akin at agad akong siniklaban nga takot.
Hugis tao sila! Pero hindi sila tao! Ang mukha at balat nila ay kulay dark brown pero ang mga veins nila ay kasing laki ng ugat ng isang puno! Kulubot ang mga balat at ang kanilang mukha ay mukha ng isang halimaw! Kulay dilaw ang mga mata nila at nakalawit ang dila na nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasíaThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...