Chapter 16: Back in Trail

88 55 0
                                    

Chapter 16

Natalia Garcia

Ito na ang araw na lalabas ako ng clinic at hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. Halos pahapon na rin at siguro'y breaktime na ngayon.

"At last! I'm free!" Sigaw ko ng nakataas pa ang kamay.

Natawa naman si Ms. Dale sa gilid habang inaayos yung mga med supplies na ginamit para sa mga sugat ko. Mas okay daw kasi na pag maliliit na sugat na lang ay hayaan ang body's natural way na magpagaling rito.

"Grabe ka naman. Hindi ka naman namin kinulong dito."

Naging close na kami ni Ms. Dale dahil sa pananatili ko rito. Saka ilang taon lang rin ang tanda nya sa akin.

"Haha. Hindi naman po sa ganoon."

Napailing iling naman siya. "Basta pag may sumakit pa sa mga sugat mo, lagyan mo lang ng ganito." Pagkatapos ay inabot niya sa akin ang isang ointment na nasa collapsible tube.

"Water user ka rin naman kaya may kakayanan ang katawan mong magpurify ng sarili." Nakangiti niyang sabi.

Oo, nabanggit nga iyon sa amin sa isa sa mga klase namin. Na ang mga water user daw ay kayang maglinis ng sariling katawan sa iba't ibang klase ng infection, mild poison, o drugs, as long as our power can hold it.

"Sige sige. Salamat sa tulong mo Ms. Dale!" Tapos ay yumakap ako sa kanya. Gumanti rin siya ng yakap sa akin.

Nilingon ko si Akira na hinihintay ako habang iwinawagayway ang mabalahibo nitong buntot. Napaka cute talaga ng husky na ito.  Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Caleb, kasunod niya si Owen.

"Hi! Ready ka na ba?"

"Ang OA mo talaga. Sabing okay lang naman ako. Hindi na kailangang sunduin pa ako. Kakaloka kayo."

Kahapon kasi mga after class nila ay dumating sila Denise kasama tong dalawang to. Naging close narin silang dalawa hindi lang samin ni Den kundi pati kila Mabel at Faith, kahit pa taga kabilang House sila. Wala lang naman daw yun kina Caleb basta Tyros. Mayayabang na daw kasi pag Advance at Royals.

So ayun nga. Nang malaman nilang dalawa na ngayon na ang labas ko ay nag-insist na susunduin daw ako para siguradong wala nang kukuha sa akin. Kukulit.

"Eh basta. Sumunod ka na lang." sagot naman ni Caleb. Inirapan ko naman siya.

Nakakatuwa itong dalawang Royals na ito. Mabait naman kasi talaga sila at approachable, lalo na si Caleb. Si Owen naman, well, hindi yan si Owen kung hindi siya masungjt. Nasa dugo na niya yon. Pero nasanay na kami sa kanya, mabait rin kasi at seryoso lang madalas.

"Halika na. Hinihintay ka ni Denise at Bea sa House. Pasunod naman sila Faith at M-Mabel rito." Saad ni Owen.

Ay teka. Bakit nautal sa pagbanggit kay Mabel? Hmm. Tinignan ko naman siya ng malisyoso at inirapan niya ako. "What?"

Hindi ko napigilang matawa ng onti. Haha. Sarap niya palang asarin.

"Tss.."

"Oy. Mamaya na kayo mag away dalawa. Tara na at nagmessage si Denise, nasa dorm daw sila. Don nalang tayo magkita kita." Sabat ni Caleb.

"Oo na. Tara na nga." Bumalik ako sa kama para damputin si Akira na kanina pa naghihintay sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at inamoy amoy nanaman. Ang bango kasi.

"PETophile ka." Sabi ni Owen. Tinaasan ko siyang kilay. Petophile? Ano yun? Pinalitan niya yung Pedophile?

"Ha-ha-ha. Oh ayan. Tatlong tawa para sayo. Ang corny mo po." Sagot ko sa kanya nung magets ko nang nakasmirk.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon