Chapter 8: Party Duel

113 63 0
                                    

Chapter 8

Natalia Garcia

Umalingawngaw ang school bell sa buong hallway at ang inaantok kong diwa ay agad na nagising.

Marahas na ibinangon ko ang ulong nakabagsak na pala sa mesa at sumalubong sa akin ang tumatawang mukha ng ka-dorm ko na si Beatrice.

"Hoy! Ba't natutulog ka na naman sa klase?" aniya at pumaywang sa harap ng aking mesa. Ang ilan sa mga kaklase namin ay nagtatakbuhan na sa palabas kaya't kunot noong hinarap ko ang babaita.

"Anong mayroon? Gutom na gutom ba 'yong mga 'yon? Nagmamadaling lumabas ah," tanong ko sa kaniya sabay hikab. 

Pero hindi maipinta ang gumuhit sa kaniyang mukha nang hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin. "Loko! Party duel ngayon at kailangan natin 'yung makita. Back to back dapat ang panalo ng Team Astron kaya't halika na!"

Ni hindi ko na nasundan ang sinasabi niya nang bigla ako nitong kaladkarin at wala naman akong nagawa kundi ang magpatinanod dito. Naabutan pa namin sila Denise at ang mga kasama naman niya sa Air Class na palabas na rin ng House.

Nagpalitan kami ng mga nalilitong tingin, pero kapagkuwan ay natawa na lang at sumunod na sa mga kasama. Nagsisigawan ang mga estudyante nang makarating kami sa common field ng school grounds kung saan nakapalibot sila sa nagmistulang ring.

Ang House of Luna ay nasa kaliwa, habang ang House of Astron naman ay nasa bandang kanan. Para bang hindi lang ang mga kalahok ang lalaban kundi maging ang mga estudyante dahil sa papataas na tensiyon ng paligid.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga miyembro ng house namin na lalaban at nagulat ako na makilala ang dalawa sa kanila. Sila Caleb at Owen 'yon ah?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Denise at namangha. Makikita namin silang lumaban! At ito ang first time na makakakita kami ng duel. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-excite habang nanunuod.

"Magsisimula na!" sigaw ng nasa likuran ko kaya't muli akong bumaling sa harapan habang patuloy si Beatrice sa pagpapakilala ng mga kalahok.

Naglapit sa gitna ang dalawang panig at kinausap ni Ms. Yvonne. Kada magsisimula kasi ang Party duel, kailangan pa ring paalalahanan ang bawat isa sa mga rules nito. Kahit pa ilang beses ka nang sumasabak. Kapagkuwan ay nagkamayan rin naman pagkatapos bago bumalik sa kani-kanilang pwesto. Ngunit naiwan ang dalawang lalaki sa harap, isa sa Astron at isa naman sa Luna.

"Si Owen Matthews at Knight Jackson pala ang mga leader ngayon," matinis na tili ni Bea. Para bang nangingintab pa ang mga mata nito sa nakikita. "Pero pantay naman ang laban. Parehong tatlo ang Royals at pareho ring dalawa ang Advance. Now, it will boil down to who strikes first."

Ahh! Ano kayang masasaksihan namin ngayon? Waksi ko sa sarili habang pinapanuod ang seryosong mga aura ng nasa harap namin.

"Bakit kaya wala si Rage ngayon?"

"Baka hindi pa nakaka-recover sa huling Party duel?"

"Oo nga eh. Si Sefreigh ba naman ang nakalaban!"

"Ibig sabihin, naghihiganti lang 'yan sila kaya si Knight ang hinarap nila."

Bulungan ng nasa tabi ko. Hindi ko sana sila papansinin dahil hindi ko naman kilala ang mga tinutukoy nila. Pero biglang tumatak sa akin ay ang salitang 'recover'. Goodness! Akala ko ba ay friendly battle ito?!

Lumakad na pabalik sa sariling grupo ang dalawang leader at saglit na nag-usap. Pagkatapos ay pumwesto rin naman na tila naghahanda na sa laban. Mukhang magsisimula na.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon