Chapter 33
Mabel Flores
Nang hapon ding iyon pagkatapos ng mga klase itutuloy ang pagkikita naming lima sa Great Library. Ang Administrator's tower lang kasi ang lugar rito sa school kung saan pwedeng maghalo ang mga taga Luna at taga Astron, kaya yun na ang napag-usapan namin.
Kasalukuyan kong hinihintay si Faith ngayon sa may lobby ng dorm namin kasama si Akame. Nakatingin lang ako sa kulay itim na marmol naming mesa habang iniisip ang gagawin naming hakbang sa paghahanap ng clue sa portal. Marami ring estudyante ngayon ang nagkalat dahil kakatapos lang ng mga klase at hindi nakalagpas sa pandinig ko ang mga pinaguusapan nila tuwing nakikita nila ako.
Hindi ba siya yung nagpasabog ng training room nung isang araw?
Oo siya yun! Halos sirain niya yung buong fourth floor.
E di ba bago lang yan? Malamang mahina pa siya kumontrol ng kapangyarihan niya.
Pati yata tayo ipapahamak niyan eh.
What a weakling!
Tapos ang lakas ng loob makipagclose kila Rage! Napaka-hina naman pala!
Wag kayo lalapit diyan.
Ilan lang yun sa mga naririnig ko and there are worse than that at wala sariling naikuyom ko ang aking kanang kamay. Napailing ako at pilit inaalis yun sa isip ko. I shouldn't get affected by those words. Napayuko ako. Pero, totoo naman ang sinasabi nila. Mahina kasi talaga ako. Kaya hindi ko man lang nagawang iligtas si Sir Harris at maging ang sarili ko. Napakawalang kwenta ko!
Di ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mga mata ko at pumatak iyon kay Akame. Narinig kong tumahol siya.
Mabel. Huwag mo silang papakinggan.
Pero Akame, totoo ang sinasabi nila. Mahina ako.
Umiling siya. Hindi iyon totoo. Huwag kang maniniwala sa kanila. Ikaw ang isa sa pinakamalakas na nakilala ko. Dahil sa kabila ng takot mo, nagagawa mo pa ring mag-isip at gumawa ng kung ano ang tama. Kaya mong labanan ang takot mo. At hindi lahat ng tao kayang gawin yun.
Napangiti ako sa pag-aalo niya. Totoo ba iyan?
Maligayang tumahol siya habang kumakawag ang buntot. Oo naman, Mabel. Totoo ang sinasabi ko.
Salamat, Akame! At niyakap ko ang malambot niyang katawan.
Tama si Akame. Hindi dapat ako makinig at maniwala sa mga sinasabi nila. Sa ngayon, dapat ay magfocus ako sa misyon naming paghahanap ng clue sa portal.
Napabuntong hininga ako. Hay. Ano kayang mababasa namin sa diary na yun? May clues ba yun tungkol sa hinahanap namin? Tungkol sa portal? Sa Ravens? O sa pagiging Origins namin?
"Mabel!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw ni Faith kaya nilingon ko siya agad at nakitang nasa malawak na lobby pa sya. Sumenyas naman ako sa kanya na hinaan ang kanyang boses at halos itago ko ang mukha ko sa hiya nang pinagtinginan kami mga tao roon.
Ay grabe! Nakakahiya talaga bunganga nito!
"Sorry, sorry." Sabay peace sign niya sa mga nakasalubong niya. Hindi rin nawala sa paningin ko ang ginawang pag-irap ng karamihang nakakita sa amin. Bukod sa alam nilang may kaibigan kami sa Astron, nakaragdag pa ang nangyari noong nakaraang araw sa training room para magalit sila sa amin.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasíaThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...