Chapter 4: Beginning of the End

167 72 14
                                    

Chapter 4

Natalia Garcia

Nanatili ang mga mata ko sa watawat ng naturingang paaralang lilipatan namin.

Ang makinang na telang puti at itim ay sumasayaw dahil sa hangin na nagmumula sa labas ng bintana. Matingkad ang gintong kalasag na nakapaskil sa gitna nito, maging ang dalawang pilak na espadang magkakrus sa likod nito.

Sa magkabilang-gilid naman ng kalasag ay ang isa sa pinakakilalang mythical creature kahit saan ka magpunta—Pegasus. At sa ilalim ng emblem na iyon ay ang ribbon at nakasulat roon ang pangalang, 'Avalon University'.

Ngunit ang maas nakakuha ng aking atensyon ay ang limang bilog, o bato, na may iba't ibang kulay na nakapaikot sa loob ng gintong kalasag.

Asul, berde, pula, dilaw, at puti.

This feels familiar. Parang napanuod ko na 'to kung saan. Tama, ang mga kulay na ito ay sumisimbolo sa mga elemento ng mundo. At kaming apat, napatingin ako sa mga kaibigan ko, ay may taglay nito.

Pambihira. Mukhang maniniwala na talaga akong may magic!

"Ano nang dapat nating gawin?" nag-aalalang tanong ni Mabel at napabaling kami sa kaniya.

Bumuntong hininga si Faith at kinalikot ang kaniyang mga daliri. "Nandito na tayo eh. Wala na tayong magagawa kundi ang maghintay. At saka, sinabi nila na nakausap nila ang pamilya natin. Sana, sana lang ay totoo yun," malungkot na saad niya.

"Ang mahalaga ay maayos ang kalagayan natin ngayon at wala silang ginawang masama—" Naputol ang sinasabi ko nang biglang bumulalas ang katabi kong si Denise.

"Walang ginawang masama? Should I remind you, bigla tayong nawalan ng malay dahil sa ginawa nung School President at kinaladkad pa nila tayo against our will!" singhal nito sa amin.

Halata namang napansin din ng dalawa ang ginawa ni President na mukhang may alam din sa lahat nang ito dahil napayuko na lang sila. Pero nang maramdaman kong bumigat na naman ang hangin ay naging alerto ako.

"Denise," mariin kong tawag sa kanya at hinawakan siya sa braso at hinihila paupo. "Itigil mo yan. Walang silang choice no'n dahil ayaw nating magpaawat. Kung wala sila, baka kung ano nang nangyari sa atin, at maging sa buong school."

Tila isang palabas sa aking isipan nang ma-imagine kung ano nga ang posibleng mangyari kung nagwala nga ang mga kakayahan namin. Mukhang naisip rin naman ni Den ang gusto kong iparating dahil saglit na gumuhit sa mukha niya ang takot.

Huminga muna ito ng malalim bago dahan-dahang umupo, sapo ang kaniyang noo. Binalingan ko ng tingin muli ang watawat sa gilid ko bago sila tinignan ng isa-isa.

"Alam ko na alam niyo ang nangyayari sa atin ngayon. Hindi na natin ito pwedeng ipagsa-walang bahala at ibaon na lang sa limot, gaya ng ginawa natin noong may mangyari sa cruise ship. Ayaw niyo lang tanggapin. Ayaw lang natin," panimula ko sa kanila. "Pero iba na ngayon. Kailangan natin sila para matulungan tayo kung anomang kakaiba ang nangyayari sa atin ngayon."

Tapos ay bumaling ako kila Mabel at Faith. "Anong mangyayari kapag tayo naman ang nawalan ng control? Babagyo ng napakalakas, malaking pagsabog at sunog, o lilindol na maaari nating ikapahamak?"

Napayuko sila sa litanya ko kaya't tinuloy ko ang sinasabi. "Hindi na lang 'tayo' ang iniisip natin dito, kundi pati 'sila'. Ang mga mahal natin sa buhay na iniwanan natin. Alang-alang sa kanila, tulungan natin ang sarili natin."

Rinig ang hikbi ni Denise sa tabi ko at gayo'n din sila Faith at Mabel. Nanghihinang napasandal na lang ako sa inuupuan bago pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo na sa mga pisngi ko. Tila nagpupumilit na pumasok sa kokote ko ang katotohanang 'di na namin matatakasan ang kapalaran namin.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon