Chapter 3
Natalia Garcia
Nasaan ako?
Dahan dahan kong iminulat ang mga inaantok kong mga mata. Pilit na nilalabanan ang pagbagsak ng sariling talukap para hindi na muling lamunin ng kadiliman. Ilang beses ko rin itong ikinurapkurap bago magkaroon ng kamalayan sa paligid.
At ang unang bumungad sa akin ay ang bubong— bubong ng isang sasakyan. Pati ang banayad na paggalaw at pag-alog nito ay naramdaman ko rin.
Teka. B-bakit ako nasa sasakyan?
Bagaman malamig ang loob ng sasakyan, hindi naging sapat iyon para patigilin ang biglang pagpapawis ng aking noo at palad. Sumiklab ang takot sa aking dibdib sa naisip na baka na-kidnap ako ngayon at dadalhin sa kung saang lugar. Sari-saring imahe ng sarili ang gumugulo sa aking isip na baka itapon nila ako sa palayan, o ihulog sa dagat, o baka naman—
Huwag naman sana!
Sinubukan kong pakiramdam ang aking katawan kung may masakit ba sa akin. Sa braso, sa hita, sa tiyan, at nakahinga ako ng maluwang dahil bukod sa ulo ko ay wala naman. Ngunit nang yukuin ko ang aking damit ay nakatanggal na ang ilang butones ng aking uniporme.
S-Shit! No no no. This can't be happening—
"Mabuti at gising ka na," aniya ng isang babae at halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita ito. Hindi ko rin alam paano niya nalamang gising na ako kahit na hindi pa man ako gumagalaw sa takot na saktan ako ng kung sinoman ang kumuha sa akin.
Pero teka, pamilyar sa akin ang boses na iyon ah.
Nang mapagtanto kung kaninong boses ang narinig ay marahas akong napabangon para harapin ito. Bahagya pa akong nakaramdam ng hilo dahil sa ginawa, pero kahit nanlalabo ang mata ay nakilala ko ang postura nito na nakaupo sa passenger's seat.
"Miss Green," tawag ko sa kanyang pangalan. Ni hindi ko man malagyan ng emosyon ang pagbati dahil sa ngayon ay wala akong makitang dahilan para gawin iyon.
Ngunit hindi niya naman pinansin ang tono ko at bumaling lang ito sa salamin sa kaniyang harap. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay hindi ako nagpatalo.
"Ako nga. But you can call me Yvonne," simpleng sagot niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at saka binalingan ang katabi nito.
Tahimik akong sinulyapan ng tingin ng nagmamaneho sa rearview mirror at hindi ko naiwasang magulat sa timyas ng kulay berde niyang mata. Ngayon ko lang rin napansin ang mala-blonde na kulay na buhok nito na nagpatingkad naman sa tanned nitong balat.
Mabilis niya ring ibinalik ang ang tingin sa kalsada. Agad akong napangiwi sa ipinakita nitong disinteres.
Kung nasa tama akong pag-iisip, sino ba naman nga ang mag-aakalang isa siyang kidnapper sa hitsura niya? Pero looks can be deceiving! Gaya ngayon, ni hindi ko nga alam kung nasaan—
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Teka, nasaan ako? Saan niyo ko dadalhin?!" wala sa sariling bulalas ko nang mapagtanto ang mga nangyayari. Saka ko lang rin naalalang wala sa tabi ko ang mga kaibigan ko kaya't ang takot na sandaling nawala kanina, ngayon ay bumalik na mas matindi pa.
N-Nasaan sila? Saan nila sila dinala?!
Hanggang sa unti-unti kong naaalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.
Ang pagkukutya sa amin,
Ang school president,
Ang mga bisita,
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasiThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...