Chapter 63.5
Lexine Gonzales
Mabilis kong tinungo ang daang itinuro sa akin ni Faith.
Gamit ang Mind link, nakikita ko rin ang isang mapa na nakikita at nabuo naman niya sa kaniyang isip, na para bang nakatingin ako sa isang google map at kailangan ko lang sundan ang arrow na naroon. Seriously, hindi ko alam paano niya nagawa iyon. But maybe it's one of the skills she learned while she's in the Spirit World.
Tumigil ako sa taas ng isang puno, may ilang metro ang layo mula sa kalaban. Hindi ako pwedeng basta-basta lalapit sa kaniya dahil pareho kaming long-distance fighter.
Ipinikit ko ang aking mata at nag-ipon ng kapangyarihan roon, at pagmulat ko ay naging madilim ang paligid. At ang tanging liwanag na nakikita ko lang ay ang life force ng isang lalaking nakatungtong sa isang puno.
Got you.
Sinipat ko ang lugar at maging ang pinupwestuhan nito nang hindi niya namamalayan. Batay sa kulay ng life force nito ay isa siyang water user at ang weapon naman ito ay crossbow. Gaya ng akin, hinuhulma niya rin ang kaniyang spirit force para maging isang palaso. Hay, gaano ba karami ang magiging pagkapareha namin.
Iwinaksi ko na lang iyon sa aking isip at nag-focus sa kailangang gawin. Mukhang hindi pa niya nararamdaman na nasa likod niya lang ako dahil nakatutok pa rin ang crossbow nito sa gawi nila Faith na para bang nag-aabang ng pagkakataon.
Kailangan kong bilisan rito para makabalik ako at tulungan si Faith.
Gaya nang natutunan ko, hindi na lang sa aking kamay o sa aking weapon kailangang dumaan ang aking kapangyarihan. Kundi kailangan muna iyon na naka-activate sa aking buong katawan bago bumuo ng isang skill. It needs to be fully switched on.
At gayun ang ginawa ko, sa tulong rin ni Yuan.
I need at least 5%.
Ramdam ang pinaghalong init at lamig mula sa aking talampakan paakyat hanggang sa dulo ng aking buhok. At nang masigurado kong kumpleto iyon ay saka ako lumuhod sa isang tuhod habang ang isang paa ko naman ay nakaalalay sa aking balanse.
Ipinuwesto ko na rin ang aking bow kasabay ang paghulma ng kapangyarihan at ang paghila sa aking invisible string. Agad na nag-react iyon sa hawak ko at naging visible ang arcane energy roon. Marahas iyong humiwalay sa akin nang aking bitawan at mabilis na tinungo ang walang kamalay-malay na kalaban.
Ngunit mukhang naramdaman niya ang papalapit kong atake dahil bigla itong lumingon sa kaniyang likuran, pero masyado siyang mabagal at hindi niya agad naiwasan ang puting palasong papalapit sa kaniya.
Kumalat ang puting liwanag nang tumama ang pinakawalan kong atake sa kaniyang shield at lumikha ng pagsabog na nagpawala sa kaniya ng kaniyang balanse. Nahulog ito sa punong tinatapakan, ngunit hindi pa ako roon nagtatapos.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...