Chapter 38
Mabel Flores
Students were lined up accordingly in the school's outdoor arena as the Headmaster announced the commencement of our examination. Both Houses were joined together while he addresses all the rules and the type of exam we will be taking.
First type of exam will be a one on one battle. By class iyon syempre. Bubunot ang mga professors ng dalawang pangalang maglalaban sa harap ng klase. This is to know kung may natutunan ba ang estudyante within the half year of our class tungkol sa combat.
Hindi man niya sabihin ng direkta, malamang ay may kinalaman iyon sa Ravens kaya't habang bago pa ay kailangan nang malaman iyon.
Ang ikalawang bahagi naman ng exam ay ang Specials Exam. This is more like a practical test that uses the class-type's special ability. Halimbawa, sa mga Water users ay may special ability sila na Healing. They will be given test subjects like wounded animals para mapagaling. Sa mga Air users naman ay ang Flying Ability. Mga abilidad na base kung anong class type ka. But of course, it differs individually.
Hindi pa nga lang ako sigurado kung ano ang sa elemento namin. Mukhang mangangapa ako sa second part ng exam namin ah.
At dahil ito ay isang ranking exam, lahat ng estudyanteng hindi aabot sa average score na kailangan ay magti-take ng refresher course bago makapasok na muli sa regular classes. Kapag ka tatlong beses naman na naibagsak ang exam, ay kakailanganin nang umalis ng school. Harsh.
Napabuntong hininga ako ng matapos si Headmaster sa mga ineexplain niya. Simula kasi ng magsimula ang linggong ito ay wala akong naging maayos na pahinga. Nung weekends ay ang training namin ni Knight at ang nangyaring party duel noon. Nung lunes naman ay saka lang kami na-discharge sa clinic matapos ang kalokohan namin, then the remaining days ay itinuon ko naman sa pagrereview at pagpractice ng skills ko.
Speaking of clinic, na-analyze na ng mga healers ang substance kuno na nakuha nila sa dugo namin. It was some sort of Iron toxicity. Naparami raw ang intake naming magkakaibigan ng Iron and I don't know what they explained after dahil hindi ko na maintindihan mga medical terms niya. Sinabi lang namin na sa sobrang pagod at stress namin ay para kaming magkaka-anemia, and they just shrugged off our excuses.
Papaexplain nalang ako next time kay Natalia. Ewan ko rin ba sa babaeng yun at kay Beatrice, kung anu-anong pinag-gagawang potion na ihahalo namin sa morning drink namin, ni hindi man lang kami nainform!
Hay. At least, tapos na ang issue na yun at mukhang hindi naman na pinag-uusapan iyon. Well, most of the students ay hindi pa rin naman nakakaget over sa pagka bitin nila sa nakaraang party duel.
Hindi naman namin sila masisisi dahil maganda talaga ang duel na yon. Kung hindi lang naman involve sina--
I bit my lip nang maalala kung paano naging maalaga si Owen nung nakaraang nasa clinic kami. Sobrang thoughtful niya nun, ni hindi siya umaalis sa tabi ko unless may klase na sila or kung paalisin na siya. At sobrang, sobrang, sobrang gwapo niya! Ahh!
"Ms. Mabel Flores, ano pang hinihintay mo? Nakaalis na ang mga tao sa pila mo." Rinig kong sabi ng isang professor kaya't nabalik ako sa katinuan. At wala na nga ang pila ko! Nakaalis na sila!
"S-Sorry poo." Sabi ko naman at humabol sa mga kaklase ko na papunta na sa designated room namin para sa unang bahagi ng exams. Ang one on one battle.
Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko na pinapaiwan lahat ng Royals sa arena dahil iba naman ang klase ng exam para sa kanila. HIndi ko na nalaman ang buong detalye pero ang narinig ko ay sa ibang lugar gaganapin ang exam nila. Sa Shadow Domain.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...