Special Chapter: Chasing Her

53 8 0
                                    

Special Chapter

Owen Matthews

I stared at the girls while they fidget on their fingers. Something's not right, they're either impatient or nervous and I bet it's the latter. They are trying to hide something from us. 

Hindi sinasadya na mapadako ang tingin ko sa kaibigan nilang Fire user ng House of Luna at nagulat ako sa naramdaman ko nang magtama ang mga tingin namin. Mabilis siyang napayuko at nakita ko pang napakagat ito sa kanyang labi.

What the heck is this? Why am I feeling this way? It felt like an electricity down my spine when I'm this close to her.

I cleared my throat and joined their discussion, "Saan naman kayo pupunta? Sasamahan na namin kayo para hindi kayo maligaw." I can't keep my eyes from squinting.

Saglit na natahimik sila at parang natataranta na. Tumulo pa ang pawis ni Denise sa noo at agad niyang pinunasan iyon. Walang nagsasalita sa kanila. Nakita ko pang siniko ni Faith si Mabel kaya siningkitan ko rin siya ng mata. Maya maya ay nagsalita na si Natalia habang pinanlalakihan ako ng mata.

"Ang totoo kasi niyan e hinihintay namin yung mga mentor namin." Panimula niya. "Papunta na sila ngayon kaya dito na lang namin sila hihintayin."

Tumahimik ako saglit at nilingon si Caleb at Sef. Mukhang pare-pareho kami ng naiisip dahil tumango sila sa akin. Halos matawa pa ako sa sobrang pagkakadikit nila sa isa't isa, tila umaasang maniniwala kami sa palusot nila. If they only knew, nakasalubong namin sila Ms. Green kanina sa school at mukhang wala naman silang plano na pumunta rito.

"Yun naman pala eh. Kasama naman pala ang mga mentor nila. Edi tara na't ginugutom na ako!" Singit naman ni Sef at di ko napigilang mapa-angat ang isang gilid ng labi ko. Hindi pa nakatakas sa paningin namin na napahinga sila ng maluwag.

"Mag-iingat kayo." Huling imik ko sa kanila at muling pinakatitigan ang fire user. Mabel ang pangalan niya, hindi ba? Now I'm curious.

Tumalikod kami agad sa kanila pagkatapos magpaalam at dumeretso sa pinakamalapit na mall sa amin. Nararamdaman ko pang nakabantay sila sa amin kaya nagpatuloy kami sa pagpapanggap na hindi namin sila susundan.

"Very cunning." Natatawang saad ni Sef. "Your women thought we'd fall for their crap."

Napaismid naman ako sa kanya. "What women?"

"Wag ka ng magdeny. Yung tingin mo pa lang kay Mabel nakakatunaw na." Mapang asar na singit naman ni Caleb at matalim ko naman siyang tinitigan.

"Sus! Ikaw rin naman kay Faith" Asar pa ulit ni Sef. "Go ahead. Baka hindi niyo pa sila maabutan kung tatayo lang kayo rito."

"May araw ka rin sa akin." Sabi ko sa kanya at saka tinapik ang balikat niya bago kinaladkad si Caleb palabas. Dumeretso kami sa gubat kung saan nakita namin silang pumasok kanina. Naabutan namin silang namumulot ng mga halaman. Blue rose and Spinach herb. Those are the active ingredients for Cure Potion.

"Baka naman para talaga project kaya sila narito, and nothing else?" Ani Caleb habang nakatingin sa mga babaeng nangangalap ng halaman. We're standing on one of the branches atop the tree, keeping them from sensing us.

"I'm not sure either."

Nang matapos sila manguha ng mga halaman akala namin ay babalik na sila sa City Proper pero nagtaka pa ako dahil dumeretso sila papuntang boundary, at laking gulat ko nang bumukas ang gate at lumabas sila roon.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon