Chapter 41.5
Sef Gonzales
"Kamusta ang klase mo ngayon?" tanong ko kay Lex pagkauwi niya galing school. Kasalukuyan akong nagluluto ng pancakes pang meryenda namin.
"Okay naman kuya, di na ako masyadong inaaway nung mga kaklase ko simula nung ikaw na nagsusundo sa akin." Sagot naman niya sa akin at umupo sa may counter. "Alam mo feeling ko talaga may gusto sayo yung mga yun eh. Biro mo biglang nakikipag close sakin. Mga echos sila."
Natawa naman ako habang nilalapag ang lutong pancakes sa harap niya. "At least di ka na nila binubully. Why not try to get along with them?"
"Huh? No way. Ayoko ng mga kaibigang plastic no. And besides, I already have bestfriends back at our hometown." sabay tusok nya sa pagkain. "Hindi mo pa pala sila nakikita ano? Di bale, once summer vacation comes, ipapakilala kita."
I nod in reply. Lexine is just 13 years old pero minsan kung magsalita ay may pagkamaldita na. I wonder kung kanino siya nagmana. Natawa tuloy ako sa naisip.
"Nga pala kuya, nitong mga nakaraang araw ang daming local reports of earthquake. Kayo lang pa man din ni Ate Fely ang naiiwan dito sa bahay so be careful. Hindi pa nga nila matukoy-tukoy ang dahilan eh."
Lumapit ako at pinitik ang noo nya. "Ikaw ang dapat na mag-ingat. You don't even have to worry about us dahil nasa bahay nga lang kami. Ikaw ang lumalabas at mag-isa sa labas. Binilin ka sakin nina Tito habang wala sila so you should behave as well."
"I'm not a pet." Irap naman niya sa akin. Aba. "But just so you know, kapag dumating yung time na yun, I'll come run and save you. I swear."
Napatigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi niya. It's like she strummed a string in my heart and a tear silently fell in my eyes. Tinawanan ko lang siya but deep inside, I was touched.
-
"Yes tita. I'm doing fine. Yes, she's in good condition too. Kayo po kamusta jan? How's business?" I'm in a phone call with Lexine's mother. Halos araw-araw sila tumatawag para masiguradong maayos kaming dalawa pero nitong mga nakaraang tatlong linggo ay tatlong beses pa lang sila tumatawag. They've been away for six months.
"Wala naman ba kayong kakaibang nararamdaman o napapansin ngayon jan? Is there something unusual?" Nag-aalalang tanong pa niya.
"Wala naman tita. Pero malapit na ang summer vacation nila Lex and she wants to visit her friends. Kailan po ba kayo babalik?"
Narinig kong napabuntong hininga siya at tila may kausap na iba base sa bulong na naririnig ko. Siguro si tito yun. "We're... not sure. I just hope na matapos na agad tong inaasikaso namin. Gusto na rin naming umuwi."
Bakas ang pagod sa boses nila kaya hindi ko na siya pinilit pa sa gusto ng anak niya at sinabing magiging okay lang kami kaya wag silang mag-alala.
"Sef? I also have news for you." Si Tito na ang nasa telepono ngayon. I listened attentively to what he has to say. "Your parents. We have a lead."
I gripped on the phone tightly, dumbfounded. I couldn't even move my mouth to breathe.
"I sent the details by mail and it should arrive today. You could check it if you want, or just keep it." His voice is still but warm. "Hindi pa tapos ang imbestigasyon namin, pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang nangyaring pagpatay sa kapatid ko."
"Thank you." are the only words I was able to say. Pero sa totoo lang, nanginginig ang labi at mga kamay ko sa galit. I'm clenching and unclenching my fist until I hit the wall unconsciously.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...