Chapter 70
Faith Tuazon
November 24, Saturday
Hindi ko na nabilang kung ilang minuto o oras na ang lumipas mula nang pag-usapan ng aming mga magulang ang tungkol sa pagiging Origins namin.
Halos maubos na rin ang kuko ko sa kamay kakakutkot at kagat roon. Ilang beses pa akong hinampas ni Denise sa kamay at pinagsabihan para patigilin ako dahil tumatalsik daw sa kaniya yung kuko ko. Walangya.
"Do we really have a choice?" Naiinis na wika ni Tita Mae, ang nanay ni Mabel habang inaalo ito ng kaniyang asawa na si Tito Fred. Tila sa kaniya yata nakuha ni Mabel ang pagiging mainitin ang ulo.
Sa aming magkakaibigan, tanging si Mabel at Talie lang ang may magulang na parehong Elementals, bukod kay Lexine.
"Ang problema rito, hindi agad sinabi ni Nathan ang tungkol sa pagiging Origins ng mga anak natin." Umiiling niyang saad, at kapagkuwan ay tinapunan ng masamang tingin ang walang kibo na Headmaster sa dulong kahabaan ng mesa, hindi makapaniwala sa nangyayari.
Tahimik kaming nakaupo sa may harap ng mahogany office table ni Headmaster habang sila ay nasa long table di kalayuan sa amin. Nagmistulang meeting area ng opisina ang bahaging iyon at ang aming mga magulang ay nakapwesto sa hanay ng mga upuang nakalaan para sa mga mahahalagang bisita. Kami naman, heto, parang mga sisiw na walang magawa kundi ang makinig sa pagtatalo ng mga nakakatanda.
"At kung nalaman mo ng mas maaga, anong gagawin mo?" Mataray na singit naman ni Tita Danna, ang nanay ni Denise. Alam na alam kung kanino nagmana, ah. "Wala, 'di ba? Kasi wala tayong magagawa para pigilan iyon."
"We should've known. It's already unusual na magkakapareho sila ng araw ng kapanganakan." Putol ni papa sa maiingay na pagtatalo. Mukhang nakakalma na siya at nakapag-isip isip dahil hindi na mainit ang ulo niya gaya kanina.
Kung tutuusin sa lahat ng nangyari sa buhay namin; magkakasabay na ipinanganak, magkakasamang lumaki, at magkakasunod rin na nilabasan ng kapangyarihan — tanging ang pagiging Origins lang namin ang sagot.
Dahil iyon ang nakatakda.
"Exactly." Bulalas ni Tito Nash, ang tatay ni Talie, at agad tumaas ang balahibo ko sa braso. Lagi siyang mapagbiro kahit pa istrikto ito, pero ngayon ko lang nakita ang seryosong aura nito. Nakakakilabot.
Sa tabi naman niya ay nakaupo ang asawang si Tita Gwen na magkasalikop ang mga kamay, at hindi ko maiwasang mapangiti ng hilaw.
Come to think of it, five months ago ay magkakasama lang kami sa aming mundo. Excited sa regalo nilang travel. Who knows na ganito pala ang hahantungan nito?
"It's too late na magsisihan o magturuan ngayon. So, what should we do?" Hindi nakatakas sa aking pandinig ang bahagyang pagnginig ng boses ni Tita Gwen dahil sa labis na pag-aalala.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kinalabasan ng aming reunion. Gusto ko pa mang ding kamustahin sila tito at tito at alamin ang mga ability nila mula nang malaman kong elementals rin sila, pero heto ang kinalabasan. Hindi ko naman kasi inakalang darating sa mismong oras na iyon ang mga kaibigan ko pati na ang mga magulang nila.
Edi sana tinikom ko na lang ang bibig ko. Hays, talaga naman Faith.
Hindi ko na namalayan na nakarating kami sa palapag kung nasaan ang opisina ni Headmaster. Ilang oras lang ang lumipas mula ang masayang reunion namin ni papa, tapos heto kami ngayon, may haharaping kumprontasyon.
Kumalabog ang pintuan ng opisina nang walang kaabog-abog na sipain iyon ni papa sa galit. Marahas namang bumukas ito at sumalubong sa amin ang mga gulat na hitsura ng dalawang House Heads, ngunit si Headmaster ay kalmadong nakaupo lang sa kaniyang swivel chair at nakatitig sa amin. Para bang alam na niya ang tungkol rito at hinihintay na lang niyang mangyari.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...