Chapter 26
Mabel Flores
Dumating rin naman agad si Mikael ilang minuto pagkalabas namin sa opisina pero pinakiusapan namin siya na wag muna kaming iuwi sa Avalon. Mamimili pa kasi kami ng souvenirs dito sa Capital. Sabi kasi ni Lex e dito maraming magagandang pang souvenir. Tumigil si Mikael sa isang boutique na tinuro ni Lexine kanina.
"Ayan! Magaganda yung nanjan! Tara pasok tayo." Excited na sabi ni Lex at nauna na siyang lumabas. Sumunod rin naman kami agad. Aba syempre, hindi pwedeng magpahuli. Haha.
Pagkapasok namin sa loob ay namangha pa ako dahil maraming palamuti ang naka display roon. Hindi lang mga jewelries, key chains, and the likes, kundi may mga pouch, shirts, o panyo rin naman. Typical souvenir things. Mayroon rin namang Ice Globes, pero ang tawag rito ay Lacrima. Nga lang, for display lang ang available rito, dahil ang talagang lacrima ay may mga special uses talaga.
"Uy ito oh!" Tawag sa amin ni Faith. "Ang ganda nito may iba ibang kulay!"
Tinignan ko yung tinuturo at totoo nga sinabi ni Faith kahit minsan. Sobrang ganda nga nun! May mga necklace/pendant doon na moon-shaped. Pero hindi lang yung simpleng moon ang design niya. May iba iba pa siyang kulay. May blue, violet, yellow, green, red, etc.
"Ay oo nga!" Biglang singit ni Denise. "Tapos tig iisa tayo base sa elemento!"
Napatango tango naman kami at excited kong kinuha yung moon na color red. Ang ganda ganda.
"Hi! Maganda po iyang napili niyo. Glowing in the dark rin po siya." Sabi naman nung saleslady pagkalapit niya sa amin.
"Ay talaga?" Tapos ay sabay sabay naming tinakpan yung moon gamit ang kamay namin at sinilip sa loob kung totoo ngang umiilaw siya sa dilim.
"Hala ang galing! Ang ganda ganda naman nito!" Sabi ko naman habang hawak yung kwintas. "Tara bilhin na natin!"
Equivalent to twenty points ang bawat isa. Medyo may kamahalan ito pero okay na din, worth it naman dahil minsan lang ito. Saka, magkakaroon na kami ng dagdag allowance next week dahil panibagong buwan na. Yahoo!
Bumili rin si Talie ng isang bracelet na kulay blue. Pasalubong niya raw iyon kay Bea. 15 points naman iyon. Pagkatapos naming mamili ng iba pang mabibili pati ng pagkain na babaunin namin ay sumakay na kami kaagad sa karwahe.
"Oh, Mikael. Para sayo." Sabay abot ni Talie ng isang supot.
Yun yung binili naming souvenir kanina para sa kanya. Syempre, mula pagpunta rito at pagalis ay siya ang maghahatid sa amin. Its like a way of saying Thank you na rin.
"Ay naku. Nag abala pa kayo. Hindi naman ako nanghihingi."
"Hindi ka nga nanghihingi. Pero binibinigay namin yan sayo. Sayo na yan." Segunda ko pa.
Kinuha ni Faith yung supot kay Talie at sapilitang nilagay niya iyon sa lap ni Mikael, "Oh, ayan nasayo na. Bawal nang tumanggi." Wala siyang nagawa kundi tanggapin iyon. Kinulit na namin e haha.
"Salamat sa inyo, mga binibini."
Pagkatapos nun ay lumarga na kami agad paalis ng lugar na ito. Halos treinta minutos ang lumipas bago namin namataan ang pamilyar na gubat na dinaanan namin kahapon. Malapit na kami sa boundary.
Nakikipaglaro lang ako kay Akame ngayon habang mahinang inihahagis hagis ang maliit niyang katawan sa ere. Grabe, ang cute cute talaga niya! Kinikiliti ko ito sa tiyan at kinakagat niya naman ng mahina ang daliri ko.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...