Chapter 30: Not Enough

44 6 0
                                    

Chapter 30

Mabel Flores

Napamulat ako ng mata dahil sa sunud sunod na katok sa pintuan ko, gayon din ang pagtatalon talon ni Akame sa tiyan ko at tumatahol. Kumabog agad ang dibdib ko sa kaba at mabilis akong napatayo sa gulat at dumeretso sa pintuan para lang makita ang mga nag-aalala, at the same time, naiinis na mukha nila Jasmin at Carmina.

"Ano bang nangyari sayo?! Kanina pa kami katok ng katok! Akala ko ano na nangyari sayo, di ka na bumalik sa klase!" Litanya ni Jas.

"S-sorry kasi--" sabi ko habang nagkukusot ng mata na agad pinutol ni Mina.

"Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?! Kanina ka pa namin hinahanap, bakla ka!"

Lumapit si Akame sa paanan ko at pumaikot ikot sa ankle ko na parang kinocomfort ako. Grabe, ano bang nangyayari at ganto tong dalawang to?

"Ano ba naman kayo guys, nakatulog lang naman ako saglit--" rason ko pero agad din silang sumingit.

"Anong saglit?!" Sigaw pa nilang pareho.

"Saglit. Umidlip lang ng ilang minuto ehh--- What?!" Sigaw ko rin agad sa sarili ko nang mapalingon ako sa ID bracelet ko.

What the heck? Naka limang oras akong tulog?! Kaya naman pala ang sarap sarap ng tulog ko!

"See?! Kanina ka pa hinahanap ng mga professor natin kanina at kakatapos lang ng klase! Kakaloka to!"

"Ayan. Puro ka pa laway oh!" Sabay turo ni Carmina sa gilid ng labi ko sabay tawa nilang dalawa.

"Ano ba?" Tapos ay hinawi ko ang kamay nya sabay irap. "Patunay yan na nagbeauty sleep ako."

"Pwe. Palusot ka pa." Ani Jasmin sabay higa sa kama ko. Tumabi naman kami sa kanya ni Carmina. Si Akame ay tahimik lang na tumalon sa hita ko.

"O anong balita bakit masyado kayong OA kanina?"

"Ay oo nga pala!" With matching palakpak pa si Mina. "Inannounce kanina na 2 weeks from now ay ang ating Preliminary Exam!"

Agad akong napaisip sa sinabi niya. Prelims? Hala! May ganoon rin pala dito? Ano kayang ginagawa kapag exam?

"Kaya nga! Grabe talaga sila! Pag exam, palaging ina-announce kung kailan kaunting oras na lang ang paghahanda natin!" Maktol naman ni Jas.

"Anla! Paanong exam ba ang gagawin? Mahirap? Sinabi ba kanina?" Kinakabahan ko naman na tanong. Grabe! May pa-exam rin pala! Paano kaya? May magic-related din? Combat? Well, malamang ganun nga ang mangyayari.

"Combat, academics, or solo presentation. Depende sa professor. On the spot ang mangyayari. Haaaaay. I'm doomed! Kailangan ko nanaman mag overnight sa pag aaral dahil napaka hina ko sa academics!" Sabay higa rin ni Carmina na parang pagod na pagod na sa buhay.

"Wow. At least ikaw academics lang. Ako mukhang mahina sa lahat." Nanghihina ko ring sabi at pumagitna ng higa sa kanilang dalawa. Napabuntong hininga ako.

"Osya. Punta muna kami sa room namin. Dumeretso talaga kami rito after class dahil nag-aalala kami sayo. Bwisit kang babae ka. Nagbeubeuty sleep ka lang pala." Wika ni Jasmin na ikinatawa ko naman.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon