Chapter 31: Damn, Owen!

42 5 0
                                    

Chapter 31

Mabel's POV

At gayon ang nangyari sa mga sumunod na araw, every after class ay may 2-hour practice kami ni Sir Harris para sa nalalapit na examination. And I admit, hindi nakakatuwa ang pagod! Feeling ko ang losyang ko na at nag-sasag na ang skin ko. Umagang umaga pero pagod na pagod pa rin ako.

"Nyare, girl? Mukha kang binugbog. Haha." Tanong ng kasama ko sa dorm na si Rachel, isang Earth user. Kakalabas niya lang ng CR. Ako naman ay nag-aayos na ng sarili para makapag breakfast pa.

"Hindi lang mukha, ramdam ko pa. Feeling ko binugbog talaga ako. Tignan mo ang dami kong pasa oh!" Sabay turo ko sa braso at hita ko kung saan may mga pasa. "Grabe, literal na gumagapang na ako para lang makapasa sa unang exam ko."

Umalingawngaw ang tawa ni Rachel sa buong kwarto, "Wow, effort! Haha. Ano ka ba, okay lang naman yan dahil exam lang yun. Sus, yakang yaka mo yun!"

Buti nga sana kung isang exam lang siya. Yung tipong pa-shade shade nalang ng A, B, C o D. Eh alam naman nating hindi! Hindi! Huhu.

"Palibhasa napakatalino mo eh." Sabay bato ko sa kanya ng unan ko pero agad niya iyon naiwasan. "Osya, maauna na ako at ako'y kakain pa." Pagkasabi ko nun ay binitbit ko agad lahat ng gamit ko at si Akame, saka tumulak papuntang house.

Grabe, ngayon ko na-realize na nakakapagod maglakad. Hindi ko alam kung ano bang problema ng gumawa ng mga buildings at pathways rito, pagkalayo layo. Kung kagaya lang ako ni Denise ay lumipad na ako kanina pa eh.

Mabel. Pupwede kitang isakay sa likod ko, kung napapagod ka na.

Natawa ako sa sinabi ni Akame. Ano ka ba, okay lang ako. Nagbibiro lang naman ako eh.

Ayos lang naman iyon sakin. Ngunit ikaw ang masusunod. Pero kung kakailanganin mo, tawagin mo lang ako.

Napangiti ako pagkasabi nun ni Akame kaya't niyakap ko ang bag ko. Naramadaman ko namang gumalaw siya roon. Hay, at least kahit ako lang mag-isa may nakakausap pa rin ako na mapagkakatiwalaan.

Habang naglalakad ay tinignan ko kung ano ang sched ko ngayong araw na to para malaman ko kung may time pa ba ako makapagpahinga. Hm, thursday? Mixed class pala kami ngayon!

Mula sa latang lata na katawan ay para akong sinilaban ng apoy sa excitement nang marealize na makakasama ko sila Lex, Talie, at Deeen! Kumaripas ako ng takbo sa cafeteria ng Luna para maabutan si Faith. Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin. Kakaupo lang niya galing sa counter.

"Huy bakla! Mixed class tayo ngayong umaga!" pambungad ko agad kay Faith nang makalapit na ako. Bumati naman sina Ava at Lucas, mga kaibigan niya sa class na mga Earth users din.

"Oo nga eh!" Sigaw niya sabay hampas pagkatapos sumubo ng tinapay. Dugyot talaga tong babaeng to. "Kaya nga super aga ko pumasok di ba? Para makakain agad at lumarga na doon sa Administrators Tower. Magrereserve pa tayo ulit."

"Ano ka ba. Sa halos tatlong buwan natin dito, alam na ng mga tao roon na doon tayo nakaupo sa harap nina Owen." I unconsciously said habang binaba ang bag ko sa upuan. Nang marealize ang sinabi ko, agad akong pinamulahan.

Napalingon ako kay Faith na may kakaiba nang tingin sa kin, maging si Ava ay napahagikgik bigla. Shocks! Mabanggit daw ba bigla ang pangalan niya. Normal pa ba yon?! Nagtaas baba naman ng kilay ang babaitang ito na para bang may gustong sabihin. Inirapan ko nga.

"Owen? Owen Matthews ng Astron?" Nagtatakang banggit naman ni Lucas. Naku! Oo nga pala! Malupit ang rivalry ng dalawang House. Dapat ay hindi ka basta bastang magbabanggit ng pangalan na taga roon. Napatingin akong lihim kay Faith.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon