Chapter 50: Solo Duel
Lexine Gonzales
Hindi na nahanap ng mga mata ko kung narito ba sila Denise at Talie, o Kuya Sef, Owen, Caleb, at maging ng aming mag teammates dahil sa dami ng mga nagkumpulang tao na nag-aabang makapanuod.
Mukhang nagmadali pa ang mga estudyante na tumakbo papunta rito pagkatapos na pagkatapos ng mga klase.
Napapikit ako sa hiya. Ano na lang kaya ang mangyayari kapag natalo ako sa duel na ito? Ahh! Hindi ko ma-imagine ang disappointment sa mukha nila!
Lexine.
Yes, Yuan?
Hindi Raven ang kaharap mo ngayon. You somehow survived Shadow Domain. You'll survive this too. At isa pa, kasama mo ako.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at nang marealize kung gaano ako kaduwag ay natawa ako sa sarili. Tama siya. This is nothing compared to what we've been through. That experience is my advantage.
Both of us stood in the center as the crowd cheers and chants our name. Naging maingay rin ang pangalan ko simula nang i-announce akong Team Leader sa Team Battle, kaya nagulat pa ako na marami nang nakakaakilala sa akin.
Althea smirked at me and mockingly said, "You love the publicity, don't you?"
Tsk. Sadyang magaling yata ito mang-inis eh.
Huminga muna ako ng malalim para kalmahin ang nanginginig kong labi dahil sa inis at saka binalik ang ngisi niya sa akin. "Of course! Who wouldn't?"
She rolled her eyes and I secretly laugh.
Napabaling naman ang tingin namin sa professor na lumapit na magsisilbing in-charge sa Solo duel na ito. Hindi ko siya kilala pero base sa suot nitong uniporme ay isa rin siyang Aether User, marahil ay dahil parehong nasa Aether class ang maglalaban.
Nang pumagitna siya sa aming dalawa ay laking gulat ko na lang ng bigla itong sumigaw ng pagkalakas lakas at gumawa pa ng mini fireworks! "Magandang hapon sa inyong lahat! Ako lang naman ang nag-iisang Reisha sa buong bansa ng Almaigne, ewan ko lang sa iba." Sabay tawa niya.
Napuno ng hiyawan at palakpakan ang paligid dahil sa kaniya habang kami naman ni Althea ay nanlalaking mga mata ang ipinukol sa gawi nito. Nawindang ako sa pagka-hyper niya kaya hindi ko na naisip na magsisimula na talaga ang laban namin.
"I will be in-charge for this Solo Duel kaya huwag na natin patagalin pa! The rules are the same with Party Duel: Break or destroy your opponent's shield or make them surrender will you be announce the winner. Since both of you are Aether users, you can make your own Outer shield after the countdown. The time limit is thirty minutes, and if both your shields are intact, then this battle is a draw. Is this clear?"
We both nodded. Althea even reached her hands for a shake and I took it, pero ramdam kong mahigpit ang hawak niya roon.
She's threatening me.
But to be honest, hindi ko alam kung ano ang special ability niya and I haven't seen her fight before kaya kinakabahan ako. One thing's clear, she's confident that she can win.
That, I can't agree.
In return, I gave her the sweetest smile I could offer and a daunting look. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon nang rumehistro ang gulat sa mukha niya.
"I won't give you limits sa kung anong skill o technique ang gusto niyong gawin. It's all up to you. Huwag niyo lang patayin ang isa't isa dahil lagot ako kay Headmaster!" Humalakhak na naman ito kasabay ng mga estudyante kaya hindi ko na rin napigilang matawa ng kaunti.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...