Chapter 11
Natalia Garcia
"Hay." Rinig kong buntong hininga ni Denise habang nilalakad namin ang mahaba at mabatong pathway na papuntang House namin.
"Bakit?" Tanong ko naman sa kanya. Bigla kasi siyang tumahimik eh.
"Namimiss ko na sila." usal niya naman habang nakayuko. Damang dama ko yung sinasabi niya kasi ganun din ang nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti sa kanya nang lingunin niya ako.
"Ako din e. Namimiss ko na silang kasama. Pero kung ito lang ang paraan para maging maayos muli ang buhay natin, let's just face it." saad ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.
"Tama na nga yan. Hindi bagay sa atin ang mag drama!" Natatawa niyang sabi sakin. Pinitik pa niya ako sa noo at agad kong hinimas yon.
"Aray ko naman! Ikaw kaya tong unang nagda-drama jan." Sabay kurot ko naman sa bewang at tatawa-tawa siyang umiiwas sakin. Ngayon ang scheduled training namin sa mga mentor namin kaya sabay rin kaming pupunta ni Den sa may training room.
Napalingon-lingon ako habang naglalakad at ngayon ko lang napansin ang mga nagtataasang puno, hindi kalayuan sa nilalakaran namin. Tila may kakaibang enerhiya akong nararamdaman sa likod ng mga punong iyon. Para bang minamasdan kami at minamanman.
Napahigpit ang hawak ko kay Denise para pigilan siyang maglakad. Napatingin naman siya sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"Bakit? Anong prob--" putol niya sa sinasabi niya dahil bigla siyang natahimik at tila nakikiramdam rin.
"Naramdaman mo yon?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at sabay naming tinignan ang gubat sa gilid namin. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako. natatakot, o natatae! Pero maya maya lang ay bigla iyong nawala.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Den. "Bakit nawala?" tanong niya sa akin. Hawak parin namin ang isa't isa. Grabe, walang bitawan ito!
Nagkibit balikat ako bago nagsalita, "Baka, baka naramdaman niya rin tayo?" Pwede naman di ba? Kasi siya nga naramdaman niya namin eh.
"Sabagay. Tara na nga! Mauubos na yung oras natin oh!" sambit niya at bigla ba namang hinila ang braso ko. "Mamaya yan na pala yung sinasabi nilang Ravens! Kung ibon lang yun walang problema eh!"
"Aray ko naman! Dahan dahan lang!" reklamo ko sa kanya. Pero tumayo bigla ang mga balahibo ko sa braso sa naisip. Hindi pa man ako nakakakita ng ganun e mukhang nakakakilabot iyon sa mga dinedescribe nila.
"Tara na! Bilisan mo!" sabay ako naman ang humila sa kanya at nagmamadali kaming umalis dun. Ay nako! Sana naman wala lang yung kaninang nandun sa may gubat kasi kung sakaling mga Ravens nga iyon, hihimatayin na talaga ako sa tak---
"Anong ginawa niyo?"
"Ahhhh!" sabay naming sigaw ni Den nang biglang may nagsalita at humarang sa amin. Nakatingin kami kasi sa gilid at likod namin para bantayan kung may sumusunod sa aming. Eeek!
Tae naman! Wag kasing nanggugulat! Sumusulpot kasi bigla kung san san eh! Yan ang gusto kong isigaw sa bwisit na to. Aatakihin yata ako sa puso! Inis akong tumingin sa lalaking nasa harap namin at narealize na isa pala siyang prof.
Hala! Joke lang pala yung mga sinabi ko.
"S-sir Mark." bati ni Denise sa kanya. Kilala niya??
Tinignan ko naman yung Sir Mark at nakita ang green niya na badge. Ahh. Baka professor niya sa Air Class.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...