Chapter 42: Explosion

23 3 0
                                    

Chapter 42

Lexine Gonzales

I fiddled on my fingers while waiting for my friends sa lobby ng House of Astron dormitory. Mixed class kasi namin muli ngayon kaya naisipan na naming sabay sabay na pumasok.

Si Yuan naman ay kasalukuyang dinidilaan ang kaniyang sarili. Typical pusa. Haha.

Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalakad para makapagbreakfast pa sa Hall. Hindi pa ganun karami ang tao dahil alas sais y media pa lang naman.

Sumandal ako sa couch na inuupuan ko at napabuga ng hangin dahil sa antok. Grabe, hindi ko inakalang mas intensive ang training namin dito kesa sa dati kong pinapasukan. Hindi ko alam kung talaga bang palaban lang ang Avalon Univ o may kinalaman ito sa pagiging Origins namin.

Malamang.

Pero may ipinagtataka ako nitong nga nakaraang araw. Hindi ko naman ito nagagawa dati o napapansin. I just happened to do it unconsciously, and I want to try and do it again.

Umayos akong muli ng upo at sinubukang magfocus sa mga tao sa paligid. I closed my eyes and cleared my mind to be aware of my surroundings.

One, two, three. I opened them.

And there. The root-like flow of lights shining through the shadows. Tila nagdilim kaunti ang aking paningin, ngunit ang iba't ibang kulay na nanggagaling sa iba't ibang tao ang nagliliwanag. They're like christmas lights.

Red, Blue, Green, Yellow, and White.

Tumingin ako sa isang specific na taong naglakad sa harap ko, at pakiramdam ko nakikita ko ang ugat sa buo niyang katawan. But instead of blood, light energy is circulating her body. Pero napansin ko rin na ang iba ay mas matingkad kaysa sa iba. May ilan na mahina lang ang ilaw at mabagal ang daloy nito. Ang iba naman ay mas mapusyaw o mas mabilis.

Life force. Biglang kumpirma ni Yuan sa hinalang naiisip ko.

Napayuko ako sa kanya at halos masilaw ako sa sobrang liwanag ng puting ilaw na nanggagaling sa kanya.

That's not a simple light anymore. He's like a fur ball of glowing white light!

Siguro dahil hindi naman sila nauubusan ng source of magic?

I thought so. Ganun rin kasi nakikita at nararamdaman ko sa sarili ko pag nagfofocus naman ako sa sarili kong life force. Pero, paano nangyari yun? Na nakikita ko ang life force ng iba? Pupwede ba yun?

Tumango siya sa akin. Oo, dahil iba ka sa kanila. Iba kayo.

I assumed he's referring to my friends. Us being the Origins. Dahil ang Origins daw ang pinagmumulan ng iba't ibang elemental forces.

Life force, huh?

Nag-enjoy akong panuorin ang kumikislap kislap na iba't ibang kulay kaya hindi ko napansin na paparating na ang mga kaibigan ko.

"Bulaga!"

Napatalon ako sa sigaw ni Talie at mabilis na lumingon sa kanila.

"Bwisit! Nakakagulat---"

I stopped midway and stared at them, at their life forces to be exact. Natalie's blue and Denise's green and its glowing and flowing like a tree root hungry for water. Their glow outstands everyone else. Halos kapareho na ito ng liwanag na galing kay Yuan. Walang sinabi ang mga ka-dorm namin na dumaraan sa harap ko.

Is this the extent of the power of an origin?

"Huy, bat ka natulala jan?" Kalabit naman sakin ni Denise. "Halika na para makapag breakfast pa tayo."

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon