Chapter 12
Natalia Garcia
"Okay, now we'll start." Saad ni Ms. Yvonne na matamang nakatingin sa akin habang naglalakad palapit. Pero huminto siya ng mga sampung hakbang mula sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago tumango sa kanya.
Bahala na! Mag iinstruct naman sila eh. Well, here goes nothing!
"Close your eyes at and relax yourself. Focus on the magic within you. We'll draw powers from your life force dahil doon manggagaling ang iyong weapon, from the shape of your heart."
I didn't know what she meant by the shape of my heart, pero agad ko ring sinunod yung utos niya. I emptied my mind and focused on my own force. Nakita kong muli ang magic force na dumadaloy sa buo kong katawan, tila nagsisilbing dugo ko na dumadaloy sa aking mga ugat. At dahil na-access ko na ang aking life force nung unang training namin, mas madali ko itong nahanap ngayon. Asul na hugis bilog na lamang iyon ngayon, hindi gaya nung nakaraan na para iyong sumasayaw at nagwawala.
At dahil kalmado na ang aking life force, mas naging malinaw sa akin na mayroon pa lang nilalang sa loob ko, sa loob ng hugis bilog na iyon. Isang maliit na fox, nakabaluktot ito sa loob ng aking sentro, at ang kanyang mahaba at mabalahibong buntot ay nakapaikot sa kanyang maliit na katawan. Natatakpan nun ang kanyang mukha, pero nakita kong nakapikit pa ang mga mata nito.
"Nakikita mo na ba?" Tanong sa akin ni Ms. Yvonne na tinanguhan ko lang. "Ngayon ay kumuha ka ng kaunting kapangyarihan mula sa life force at papapuntahin mo yun sa iyong kamay."
I drew power from the blue circle inside me at inutusan yun na pumunta aking kamay na ngayon ay nakalahad na. Kahit na nakapikit ako ay nakikita ko kapangyarihang nabubuo sa aking palad.
"Good. Ngayon ay ipagpatuloy mo ang pagkuha at pagpapadaan ng kapangyarihan mula sa katawan mo hanggang sa palad mo. Tuloy tuloy hanggang sa kusa na itong iikot sa buong katawan mo."
Ginawa ko agad ang inutos niya. Pinagpatuloy ko ang pagkuha ng kapangyarihan sa aking sentro at iniipon iyon sa aking kamay, tuloy-tuloy hanggang sa makumpleto at mabuo ang aking weapon.
Napahinga naman ako ng malalim at tumulo ang pawis ko sa noo. Grabe, nakakapagod palang mag-maintain ng kapangyarihan na hindi pinapakalawan, parang gusto nun humiwalay sa akin at sumabog. Nanginginig na rin ang mga kamay ko sa ngalay, ilang minuto ko na ba ito ginagawa?
Maya maya ay naramdaman kong parang may sariling buhay ang kapangyarihan sa loob ko nang kusa na itong gumalaw paikot sa buo kong katawan, mas mabilis at mas precise kaysa sa ginagawa ko nung una.
Ilang beses na umikot sa akin ang daloy ng life force na iyon, tila sinusuri ang buo kong pagkatao sa bawat himaymay, memorya, at ugali. Ilan pang saglit ay naaaninag ko na ang asul na liwanag sa aking palad na naghuhugis bilog. Dahan dahan itong umangat mula sa aking kamay and I knew I had to let go.
"Natalia, open your eyes." Utos ni Ms. Yvonne.
Sinunod ko ang sinabi niya. Minulat ko ang aking mga mata pero agad rin akong napapikit dahil sa liwanag na nasa harap ko ngayon. Mas matingkad at mas mapusyaw ito kaysa sa nagawa ko nung una sa training namin. Napakurap kurap pa ako para makita ng mas malinaw ang nangyayari.
Ang asul na kapangyarihang umiikot sa harap ko, ngayon ay dahan dahang bumababa sa aking kamay at humuhugis ng pahaba. Nang tuluyang mawala ang liwanag ay lumitaw na ang itsura ng weapon ko and I was amazed. I held it with two hands and examined its parts.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...