Chapter 57
(Warning: Long read. Take a break in between.)
Lexine Gonzales
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala.
Nilibot ko ang tingin sa mga ka-team ko na umiiyak habang kumakain ng late lunch. Ang ilan naman ay ngumunguya pa kahit na nakapikit dala ng sobrang pagod at antok. Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maiiyak na rin eh. Hahaha.
Nakita ko namang tinapik ni Sanya si Jade na nakapalumbaba na sa mesa, may hawak pang fried chicken sa kamay. "Huy, Jade. Mamili ka ng gagawin. Kakain o matutulog?"
Suminghot muna ito bago niya tinapunan ng tingin. "Hindi ba pwedeng both?! Huhu! Sobrang saya ko talaga guys! I'm so happy na nakasama ako sa inyo! I'm so proud of you--!" Ngawa nito pero pinasakan siya ni Sanya ng tinapay sa bibig. Nginuya naman niya iyon at muling pumikit.
Maingay na humalakhak ang mga tao sa mesa namin.
Napasandal naman ako sa upuan at napahawak sa aking dibdib. Hindi pa rin nawawala yung kabog niyon sa sobrang excitement at sobrang saya na nararamdaman. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagawa mo yung bagay na hindi mo akalaing magagawa mo.
At syempre, kasama roon ang mga taong tumulong sa akin at sa amin.
"Aguuuy. Si leader nag-e-emote..." Saad ni Talie at nang imulat ko ang aking mata ay mapang-asar na tingin ang iginawi nila sakin.
Imbes na mainis o samaan siya ng tingin ay napatawa na lang ako at napapailing. "This all happened because of your efforts and hard works." Hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa aking labi nang sabihin ko ang mga katagang, "Kaya salamat sa inyong lahat..."
Napatitig sila sa akin at napakurap kurap, hindi inaasahan ang sasabihin. Hindi rin naman nakawala sa akin ang lihim nilang pagpunas ng mata. Kahit si Jade na pumupungas pungas pa ay kitang kitang namamasa na ang kaniyang pisngi.
"Pero syempre, ikaw pa rin ang nanguna ng grupong ito towards victory. So claim it." Singit ni Owen bago tinaas ang basong hawak niya at nilagok ang laman nun. Kala mo tumatagay lang eh.
Kasunod na nagtaas ng baso si Caleb. "Yes! To Lexine!" Aniya at tumatawa namang inaangat naming lahat ang aming baso. Kahit nahihiya ay naki-ride na lang ako sa trip nila. Pati mga kumakain sa restaurant na kinakainan namin ngayon ay nakiki-chant na rin.
I heartily laughed with them, forgetting the problems that we postponed.
Maya-maya lang ay dumating na si Kuya Sef. "You guys done? It's 3pm and you still have 2 hours bago tayo bumalik sa school. Make sure na makabalik kayo sa meet-up point bago mag alas singko." Saad niya at tinanguhan namin siya.
Sa wakas! Makakapaglibot rin sa City Proper at makakapag-shopping!
Sa totoo lang ay hindi ko akalaing bukod sa medals and trophy na nakuha namin kanina, may kasama pa pala iyong points prize worth 2,000 each! That's 4 months worth ng allowance namin!
Saktong sakto para makapamili kami ng bagong casual clothes and shoes, pati na rin food na pwedeng i-stock sa room. Hindi naman namin maitatanggi na palagi kaming may midnight cravings, hehe.
At gayun nga ang nangyari sa aming lahat.
Nagkahiwa-hiwalay pa kami para lang mabili kung anoman ang gusto namin. Minsan ang kasama kong mamili ay si Talie, minsan si Denise, minsan si Gigi. Pero minsan ay nakakasama ko rin ang Advance at Royals.
Binilhan ko rin naman si Yuan ng bed niya na maliit at pati na rin cat food para hindi ako nahihirapang pakainin siya tuwing nagugutom ito. Pero binalik ko rin ang cat food ng magreklamo siya sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...