Chapter 46: 110 days

24 2 0
                                    

Chapter 46

Lexine Gonzales

September 2, 1:10pm

Hindi gaya kahapon at ng mga nagdaang araw, mas naging determinado ang bawat isa sa amin ngayon. Determinadong tapusin na ang kaguluhang ito at bumalik sa normal naming mga buhay. Pagkarating pa lang sa Great Library ay mabilis kaming kumilos, kahit pa na wala pa ang mga kaibigan namin mula sa Luna.

Agad kaming nagpunta sa section ng Library kung saan mababasa ang iba't ibang topic na may kinalaman sa pag-ikot ng mundo, buwan at araw, celestial bodies, at kung anu-ano pang kakikitaan namin ng sagot tungkol sa "araw" na iyon. Ang araw ng pagbubukas ng portal.

Napuno ng libro ang ibabaw ng mesa namin at nang magsisimula na kaming magbasa-basa ay saktong dumating sila Mabel at Faith.

"Kamusta?" Bungad sa amin ni Mabel. "Kamusta ang imbestigasyon sa nangyari sa kaibigan mo, Lex?"

Iniangat ko ang tingin ko sa kanila, pinag-iisipan kung dapat ko na bang sabihin sa kanila na nakausap ko ang kamalayan niya. But instead, I just sighed and said, "No improvement kay Kevin, bukod sa hindi pa rin ito gumigising, walang ibang nakakita sa suspect batay sa ginawang interview nila Talie at Den." Tumango ang dalawang binanggit ko.

"Sa totoo lang, it's a blow. Hindi man maikakaila, pero malaking kawalan na ma-injure ang mga Royal students. Sila ang isa sa mga pangunahing inaasahan sa university kung sakaling may ganitong mga pangyayari. And if ever, only if, the Ravens were able to breach this Island, pilay ang House natin." Napapakamot sa ulong sagot ni Talie.

"Really? Kahit may mga professors or Warriors?" Tanong naman ni Faith na nakakunot ang noo. "Bakit naman nila i-aasa ang buhay ng mga estudyante sa estudyante rin?"

I leaned back and crossed my hands over my chest. "Basically, they are candidates for graduation and for Cadet training. They can handle themselves on the battlefield and they know what to do in cases of emergencies." Sagot ko sa kaniya. Which is true, those Royal students whose already on their fourth year are candidates. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba iyon na kung nasaan ang pinakamaraming Royal students ay doon nangyari ang pagsabog, o sinadya.

And I think it's the latter.

"Let's just hope they get better in no time, lalo pa't sila ang may pinakakaunting population sa atin. Kung hindi ako nagkakamali, 20 students each house lang ang nasa ranggo ng Royals." Mabel answered as she pulled out a chair and sat and breathed heavily. "You know what, let's just finish this. We still have at least-- seven hours to do things."

At gayun nga ang ginawa namin. We read the diary again and some books, looking for some keywords that may explain all this while Denise and Faith counts the rotation of the earth. Nakahawak pa rin kami sa diary para hindi mawala ang hologram kaya't nahihirapan kami kapag may gustong mag-CR o kumuha ng bagong libro.

An hour passed but the illustration didn't stopped. It's still circling and circling and circling, and our arms felt like its going to fall off. Ngalay na ngalay na kami at lahat kami ay nakapalumbaba na sa mesa.

"Let's stop muna guys. Hindi na kaya ng kamay ko." Nanghihina ang boses ni Talie nang sabihin niya iyon. Wala namang umangal kaya tinanggal na rin namin ang mga kamay naming nakapatong sa librong iyon. Agad na nawala ang liwanag mula sa diary at napakurap kurap pa ako.

I stretched my arms and massaged it, para na akong nakukuryente sa sobrang ngalay at sakit ng braso, I'm almost tearing up. Gayun rin ang ginawa ng mga kaibigan ko.

I heard Mabel sighed as she slumped on the table, "Hindi kaya wala namang kinalaman ito sa araw ng pagbubukas ng portal?" Aniya. Doubt suddenly flashed on our faces. May mali ba sa ginawa namin?

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon