Chapter 62
Faith Tuazon
It was a maze.
A stone maze filled with vines.
Its walls might be fifty meters, or something. Perfect for trapping someone or something inside.
I knew it. Sa una pa lang ay hindi magiging madali ang exam. Mayroon na agad initial trial kung sino ang makakaabot sa gubat nang hindi nakakaengkwentro ng iba pang kandidato.
Alam kong mainit ang mata ng karamihan sa akin ngayon kaya paniguradong 'pag nakita nila ako ay hindi sila magdadalawang isip na sirain ang aking shield at pilitin akong gamitin ang safety exit ko. That would disqualify me, automatically.
At iyon ang hindi ko hahayaan.
Nang masigurong matibay ang pagkakagawa ko sa aking shield at lumipat naman ako sa susunod kong hakbang. Alam ko kung gaano ako katanga 'pag dating sa pagkabisa ng mga daan, kaya laking pasasalamat ko na Origin of Earth ako at hindi ng ibang elemento, dahil kung hindi ay hindi na ako makakalabas rito.
'Cause I will use it to my advantage.
Agad kong tinawag si Haru na siyang naghihintay lang sa akin mula pa kanina. At hindi niya ako binigo. Naghalo ang kapangyarihan naming dalawa at nang maging sapat iyon ay mabilis kong hinawakan ang lupa sa ilalim ng aking paa at pinikit ang aking mata.
This is one of the skills I learned while staying at the Spirit World.
Proprioception.
The ability to sense the location, position, orientation, and movement of a person or any objects and obstacles. Magagawa kong magkaroon ngayon ng outline o mapa ng lugar na ito kung saan kumalat ang kapangyarihan namin ni Haru. Which means, mas madali para sa akin ngayon ang mahanap ang tamang daan palabas ng maze hanggang makarating sa mismong gubat.
Easy peasy.
At hindi lang ang daan o mapa, o galaw ng mga bagay sa lupa ang makikita ko, kundi mararamdaman ko rin kung may sinomang tao ang nasa kapangyarihan ko. Kahit madampi lang ang kanilang daliri sa lupa, I'll immediately know.
Kaya mas madali ko ring malalaman kung may nagmamasid ba sa akin, o kung may nagbabalak na i-ambush ako. Who knows what some of the people are thinking.
But of course, every skill has a limit. Kung saan lang aabot ang kapangyarihan ko, iyon lang ang malalaman ko. Kung nasa labas naman sila nito, hindi na ako aware roon. Unless I'll do it again ang again until I covered the entire area.
Which is impossible, since I know how vast the area is, and I'm still learning.
Napamulat ako ng mata nang sa wakas ay nakita ko na ang tamang daan palabas ng maze na ito. May layo itong isang kilometro mula sa akin, kaya kailangan ko nang magmadali bago pa ako abutan ng gabi. Mahirap na. Dapat makita ko ang loob ng gubat habang maliwanag pa.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...