Chapter 63: Shattered Shields

14 8 0
                                    

Chapter 63

Faith Tuazon

It was the fifth day.

And I'm so drained.

Like, literally drained.

No energy, no stamina, no food. Bagaman meron pang ilang prutas na natira sa nakuha namin ni Haru nung isang araw, hindi iyon sapat para mabalik agad ang lakas kung ganitong kailangan mo namang gamitin ang buo mong katawan.

Ilan na lang kaya ang nananatiling matatag ngayon? Ilan na lang kaya kami sa gubat? Sa totoo lang ay wala akong alam na balita sa kahit kaninong kandidato. Hindi kasi kami pwedeng makipag-communicate sa bawat isa gamit ang ID bracelet, unless may agreement ang dalawang panig na maging partner.

At hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita kita ng mga kaibigan ko sa loob ng gubat kaya hindi ko sila makamusta. Kahit pa may contact ako kay Mabel dahil kapareho ko ito ng House ay hindi ko pa rin matawagan dahil mangangahulugan yun ng automatic na pagka-disqualify.

Hindi ko rin naman masisisi kahit kanino ang 'di namin pagtatago ng landas dahil habang patuloy akong naglalakbay ay lalo ko lang nare-realize kung gaano kalawak at kalaki talaga ang gubat na ito. Pansin ko rin na habang napupunta ako sa mas malalim pang bahagi ng gubat ay mas dumarami rin ang bilang ng mga beast.

Ni hindi ko na nga nagawang bilangin pa kung ilan na ba ang napaslang ko dahil bibihira na akong makapagpahinga ngayon. Hindi ko alam kailan sila biglang susulpot at atakihin ako kung saan. Napatayo na ako sa lupa matapos paslangin ang huling beast na nakita ngayong umaga at saka nagbanat ng buto at balakang. Naginhawaan pa ako ng marinig na ilang beses iyon tumunog.

Haaaay. Namimiss ko na yung kama ko!

Gayunman ay pansin ko rin na humihina na ang mga bawat atake ko, maging sa kapangyarihan o sa paggamit man ng weapon. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa wala akong kain at tulog na maayos, pero walang tigil ang panginginig ng kalamnan ko ngayon, kaya kinakabahan ako kung sakaling sabay sabay na namang magsulputan ang mga halimaw gaya ng kahapon.

Napasandal na lang ako sa isang puno at umupo, at tumingala sa langit habang habol ang aking hinga. Malalalim at mahahaba ang bawat hingang ginawa ko para lang mapakalma ang sarili. Dalawang araw na lang naman. Kakayanin ko to, malapit na.

Sumunod sa akin si Haru sa kaniyang animal form na bear cub at umupo sa aking harapan. Ang kaniyang lower legs ay diretso at nakaspread sa harapan niya habang ang upper legs naman ay nakalupaypay. Nagkatitigan pa kaming dalawa habang pinapanuod ko siyang ipwesto ang kaniyang sarili, pero hindi ko na napigilan ang sarili na panggigilan ang pisngi nito at ikulong sa isang mahigpit na yakap nang itagilid niya ang kaniyang ulo sa akin.

Napaka-cute mo parin talaga! Nanggigigil kong sabi habang pinagdidikit ang pisngi naming dalawa. Ahh! So fluffy...

Ilang segundong tumahimik si Haru bago siya nagsalitang muli, pero alam kong namiss niya rin ang pangungulit ko sa kaniya. Natutuwa ka naman ba?

Hinawakan ko ito at binuhat paharap sa akin at ngumiti. Oo naman! Lakas kaya maka-recharge ng ka-cute-an mo, grabe!

Mabuti naman kung ganon. Sagot nito. Parang nawala naman ang pangamba sa dibdib ko nang may kung anong gumuhit sa aking sikmura, tanda na nararamdaman ko rin ang nararamdaman niyang tuwa.

Natawa na lang ako sa kaniya dahil hindi vocal ang mga spirits sa ganung bagay, pero gayun na lang ang gulat naming pareho nang maramdamang may tumapak na sa aming domain; kung saan nakakalat ang kapangyarihan namin ni Haru. Mabilis kaming tumayo para maghanda ng kung sakaling bigla kami nitong atakihin.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon