Special Chapter
Natalia Garcia
Bitbit ko na ang bag ko kung saan nakalagay ang spinach herb at blue rose na nakuha namin nung nakaraang araw sa gubat. Buti nga ay hindi pa siya nalalanta ulit kasi kahapon lang namin nakuha.
Hanggang ngayon e natatawa pa rin ako pag naaalala ko yung ginawa ni Owen kanina kay Mabel. Haha. Grabe. Sobrang pula ng mukha ni Mabel nun! Para na siyang hinog na kamatis na ready nang pumutok.
"Oh. Tawa ka ng tawa?" Tanong sa akin ni Bea ng tumabi na siya sa akin. May bitbit siyang asin galing sa Chemical Stockroom.
"Wala. Naalala ko lang si kalokohan ni Owen kanina."
Tumaas ang kilay niya. "May kalokohan bang alam yung gwapo na yun? Puro pagsusungit lang naman yata ang alam nun eh."
Tumawa na lang kaming dalawa. Nang lumabas na ang kaninang gumagamit sa loob ng Laboratory ay kami naman ang sunod na pumasok. Nagsuot muna kami ng laboratory gown, face mask, hairnet, at gloves. Hinanda na rin namin yung flask at ibang mga glasswares na kakailanganin namin sa pag synthesize ng Cure Potion.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng laboratory at niluwa nun ang taong tutulong sa amin.
"Speaking of the devil." Bungisngis ni Bea sa akin.
"Owen, buti nakarating ka." Sabi ko sa kanya pero nang-aasar parin akong tumingin sa kanya. Nagsusuot narin siya ng laboratory gown at face mask. Inirapan niya lang ako. Pero for sure, nakangiti nanaman yan sa likod ng face mask niya. Haha.
"Ready na ba kayo?" Tanong niya sa amin.
"Yup!" Sabay naming sagot ni Bea.
Wala naman kasing sinabi si Ms. Daphne na bawal magpaturo sa ibang estudyante kaya pinakiusapan ko na kanina si Owen.
"Tandaan niyo na hindi lang ang quality ng ingredients ang may kakayahang magpaganda ng effectivity ng Cure Potion niyo. It's also your power, skills and knowledge." Pag-eexplain ni Owen. "Let's start."
Ang sabi niya ay mag boil daw ng 1000 mL na clear water. Ang clear water ay makukuha lang dito sa loob ng Laboratory na mismong ang mga Healers ang nag-purify. Habang pinapakuluan, nilagay naman namin sa dry heat oven ang spinach herb at blue rose para matanggal ang moist at impurities. It may contain bacteria so it's necessary to remove the moisture.
Nang matuyo ang mga iyon, pinino naman namin at itinimbang. 100 grams na blue rose at 200 grams naman ng spinach herb. Pagkakulo ng tubig, unang ilalagay ang spinachherb at bago iyon tuluyang kumulo, ilalagay naman ang blue petals at isang kutsaritang asin.
Tapos titikman kung malasa na. Hahaha. Joke. Parang nagluluto lang kasi eh.
Habang tumatagal ay nagbabago na ang kulay nun at nagiging asul na. Hininaan namin muna ang apoy hanggang sa kumulo.
Sobrang hands-on ni Owen magturo. Hindi man siya ang direktang gumagawa ng mga sinasabi niya pero pinapanuod naman niya kami kung tama ba ang ginagawa namin. Minsan ay pipitikin pa yung kamay mo kapag mali ka ng hawak.
Pati sa paggamit ng ibang mga glasswares ay nagdedemo rin siya. He really is not a Royal for nothing. Maging sa ganitong basic knowledge ay itinuturo niya.
Nang kumulo na ang gawa namin ay agad na pinatay ni Owen ang apoy. "Haluin niyo na siya ngayon." Sabay abot niya sa amin ng stirring rod. Kinuha ko yun at ginawa ang inutos niya. Hinalo halo ko yung contents sa loob ng flask namin. Mainit pa yun kaya hindi ko muna hinahawakan.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...