Chapter 18
Natalia Garcia
Weekend na at ito ang araw ng punta namin sa Capital. Kinakabahan pa ako ng sobra kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Naghanda ako ng ilang uniform at damit dahil baka hindi lang kami abutin ng isang araw sa paghahanap nung isang Origin.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang maraming bagay. Ang dami dami kong tanong pero parang hindi ko alam kung saan sisimulan. Paano naman namin hahanapin ang nawawalang tao na di naman namin kilala? Bumukas ang pinto ng CR at lumabas si Bea mula roon na nakabathrobe at may tuwalya sa ulo.
"Mag-iingat kayo papuntang Capital ha? Naku buti pa kayo!" Saad niya habang nagpupunas ng buhok.
"Oo. Ikaw rin mag-ingat ka dito."
Nasabi ko kasi sa kanya kagabi na pupunta kaming Capital ngayong araw. Nagtanong pa siya kung bakit pero ang sinabi ko na lang ay may kamag-anak kami doon. Hindi ko naman kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na isa pala ako sa mga Origins, o kung dapat man iyon sabihin.
"Dalahan mo akong pasalubong ah? Hehe." Aniya habang naglalagay ng kung ano sa mukha nito.
"Haha. Oo ba sige. Kung mayroon man don. Teka, san ka ngayon?" Sagot ko habang inilalagay na sa bag ang mga nakahandang damit.
"May weapon training kami eh. Sayang nga wala ka, ikaw sana combat partner ko. Saka sayang di ako makapunta City Proper, baka bukas na lang siguro." napangiwi naman siya.
"Ay ganun ba? Sorry. Sige next time na lang pagkarating ko."
"Ano ka ba, okay lang yun. Sige na, baka hindi niyo maabutan yung bus papuntang City Proper."
"Oo sige. Mauuna na ako ah?" Tapos ay nagyakap kami sa isa't isa bago ako tumuloy sa pinto palabas. Niyakap naman muna ni Bea si Akira bago ito sumunod sa akin. Bitbit ko ang bag ko kasunod si Akira nang makita ko si Denise na naghihintay sa amin sa may lobby ng dorm. Nakapatong naman sa balikat niya si Yuri.
"Goodmorning!" Bati niya sa akin ng magkalapit kami.
"Goodmorning rin!" Ganting bati ko. "Tara na?"
"Let's go!" Tapos ay naghawak kamay kaming dalawa na lumabas sa dorm.
Nagkukwentuhan kami sa kung anong pwedeng mangyari sa Capital nang bigla naming makasalubong sila Owen, Caleb at Sef, isa ring Royal na pinakilala sa amin nila Caleb nitong nakaraang araw lang, at Earth User naman siya.
"Uy! Mukhang may lakad kayo ah?" tanong ni Sef nang makita niya ang dala naming bagpack.
Napabuntong hininga ako bago tumango. Kung paggala lang sana ito e baka sobrang excited ko na pero alam naman nating lahat na hindi. Naramdaman kong lumapit si Akira sa paanan ko at naglalambing na para bang inaalo ako.
Natalia, magiging ayos din ang lahat.
Salamat, Akira.
"Saan ba kayo?" tanong naman ni Owen.
"Sa Administrators Tower kami. Hihintayin yung bus na maghahatid papuntang City Proper." sagot ni Denise.
"Uy! Sama naman kami!" saad ni Caleb sabay akbay kina Owen at Sef with wide grin on his face. "Galing kaming duty ngayon e. We need to relax. Ano, Owen?"
Naku, mukhang alam ko na iniisip nito. Pero wait, duty? Yun ba yung sinasama ng mga warriors at professors ang mga Royals sa Shadow Domain para kumalaban sa mga Ravens?
"Bakit? May gusto ka ba---ng puntahan? O makita?" sabat ko tapos itinaas baba ko ang dalawang kilay ko na parang inaasar siya.
"Hoy! Ang judger mo ha? Pagka ba sasama sa inyo papuntang City Proper e may gusto agad na makitang tao? Grabe ka ha! Grabe." mahabang litanya naman niya at napairap ako ng mata.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...