Chapter 67: The Student Council

24 9 2
                                    

Chapter 67

Faith Tuazon

November 13, Tuesday

"Haaaaaay."

I heaved a long, long sigh as I fidget my fingers in anxiousness.

Sa sobrang di ako mapakali ay hinampas na ni Kara ang hita kong hindi matigil sa pagkukuyakoy. Tinawanan naman ako ni Lucas habang napapailing iling pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Napatingala ako sa puting kisame at maging ang naglalakihang chandelier na nakasabit roon. Halos masilaw din ako sa puting pader at puting marmol na sahig, tipong pupwede kang magsalamin sa sobrang kinang noon.

"Ano ba, kumalma ka nga." Saway sa akin ni Kara at alanganin akong ngumiwi sa kaniya.

Kalma? Kalma? Paano ako kakalma?!

Kanina pa hindi natatapos sa parinigan at iringan ang Astron at Luna sa function hall ngayon! At halos hindi ko na alam saan ibabaling ang atensiyon ko sa sobrang taas na ng tensyon sa paligid. Susme! Wala pang sampung minuto mula nang makarating kami rito.

At oo, kasama kami sa mga napiling pupwesto sa kabilang House kaya narito kami ngayon sa function hall ng House of Astron kung saan magkakasama ang halos dalawang daang estudyante ng magkahalong House.

Ang resulta? Riot.

At kamalas-malasan pa, nasa kabilang cluster ang mga kaibigan ko at wala akong kakilalang iba rito kundi ang dalawa ko ring kaklase.

"Ha! 'Di ko akalaing may makakapasok na mga peste sa House natin. Nadudungisan tuloy ang sahig." Mataray na saad ng isang babaeng taga Astron. Umismid naman ang mga katapat nitong Luna sa kabilang hanay at hindi iyon pinalagpas.

"What the heck? Sino ba gustong pumasok sa lugar na 'to? Kala mo kay lilinis ng mga tao sa sobrang puti. Kabaliktaran naman."

"Nasanay ka lang talaga sa kaitiman ng mga budhi sa inyo."

"At least not pretentious like you." Kibit balikat na sagot ng isa pa at hayun, tuloy tuloy na ang batuhan nila ng kung anu anong pang-aasar.

Napapikit na lang ako ng mata at napatakip sa aking tainga dahil hindi na natapos ang bangayan nila at kanina pa natotorete ang utak ko. Alam kong maingay akong tao, pero hindi sa ganitong paraan.

Ayoko naaa, gusto ko na lang umuwi.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Lucas kaya marahas na nilingon ko ito. "Ba't ka tumatawa?" Tanong ko sa kaniya na naka-ismid.

"Mukha ka kasing natatae. Hayaan mo sila, matatapos rin yan."

"Anong natatae ka jan? Aba't---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan sa may likuran at pumasok ang grupo ng mga estudyanteng ngayon ko lang nakita. Hindi ko na narinig ang ingay nang sundan ko ang lakad nilang may kakaibang aura at dating, animo'y may bitbit na dignidad at karangalan sa paaralan. Sa galaw at porma pa lang ng mga ito ay halatang bihasa na ang mga ito sa pakikipaglaban. 

Napahugot ako ng hininga nang makita si Sef, ang kuya ni Lexine, na lumalakad sa unahan papunta sa entablado sa harap.

Kung naroon si Sef, ang President ng Astron, ibig sabihin... ang mga kasama nito ay ang...

"Student Council of Astron." Mahinang sagot ni Kara sa tanong na nasa aking isip at hindi ko naman maiwaksi ang biglang pagseryoso ng mukha at tono ng boses nito.

Napansin ko rin ang biglang pagtahimik ng kapaligiran at nawala na rin ang kung anu-anong bulungan na kanina pa hindi matapos tapos. Ngayon lang.

Mukhang bigatin nga talaga ang Council. Bukod kasi kay Sef at Knight, wala na akong kilalang iba na miyembro nito, kahit pa sa Luna. Kaya parang lalong bumigat ang hangin dala ng kakaibang lakas na nararamdaman ko sa kanila.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon