Chapter 53
Lexine Gonzales
September 7, Friday
Normal classes na ulit kami ngayon pero yung pagod na nararamdaman ko ay hindi na normal. Ilang araw palang ang lumipas nang magsimula kami sa meetings and practices may problema ba sa katawan ko, o sadyang pagod na rin ako sa kakaisip.
Hindi ko na mapigilan ang dahan-dahang pagpikit ng aking mata, pero sadyang mas malakas talaga ang hila ng gravity dahil nagsasarado parin ang talukap ng aking mga mata. Minsan talaga ay mas mahirap kalaban ang antok eh.
Nagulat na lang ako nang biglang may kumalabog ng malakas sa mesa at ilang segundo pa bago ko naramdaman ang sakit ng tumamang noo sa desk. What the--- Ouch!!
Mabilis akong napaupo ng tuwid at gising na gising, pero halos muli akong bumalik sa pagkakayuko nang makitang nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat. Rinig rin naman ang pigil na tawanan ng aking mga kaklase habang nakatingin sa akin.
Napatakip na lang ako ng aking mukha sa sobrang hiya at lihim na hinimas ang noong nasaktan. Pakiramdam ko nabasag yung bungo ko lakas ng pagkakabagsak ng ulo ah. Ang sakiiit!
Napapikit naman ako ng mariin nang marinig ang sigaw ng pangalan ko at napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. "Miss Gonzales, natutulog ka ba?" Tanong ng aking Aether professor at pumaywang sa harap ng classroom.
Dahan dahan akong umiiling para tumanggi kahit pa halatang halata naman sa namamaga kong mata at noo. "H-Hindi mam, dumulas lang po ulo ko." Ramdam kong sobrang pula na ng aking mukha dahil sa hiya. Hindi ko na yata sila kayang haharapin.
Bumuntong hininga naman ito at umiling bago muling tumingin sa akin. "I know you're tired from your practices, but if you can, please don't fall asleep." Aniya kaya't napatayo na ako at yumuko para magbigay galang.
"Yes ma'am, I'm sorry." Sagot ko sa kaniya. Pinalagpas naman niya iyon at pinaupo na ako. Hay, hindi ko na talaga kaya yung pagod at antok ko. Kung tama pa ang pagkakaalala ko ay magkikita-kita pa kami nila Faith at Mabel mamaya sa Great Library para muling simulan kung saan kami natapos noon.
"Psst..." Mahinang tawag sa akin ng kung sino at nang lingunin ko iyon ay tumambad ang mukha ni Gigi na mukhang kanina pa gustong humalakhak ng malakas. Lumalabas na rin ang ugat nito sa leeg tanda na kanina pa niya gustong ilabas yon. Walangya talaga.
Inirapan ko lang ito. "Ewan ko sayo." I whispered at her. Hindi naman ganoon magkalayo ang upuan namin kaya naririnig niya pa rin ako kahit bulong lang.
"Puntahan mo si Owen mamaya." Muling bulong nito at tumaas ang kilay ko sa pagtataka. Siya naman ang umirap sa akin na para bang ang tanga tanga ko. Well, hindi ko itatanggi yun. "Yung medicinal drink niya nung nakaraan. Baka makatulong." She winked at saka ko narealize kung ano ang gusto niyang sabihin.
Oh, right. Siguro nga kailangan kong manghingi ng tulong kay Owen. Hingiin ko rin kaya recipe niya tapos ipagawa ko kay Talie? Haha. Di bale, magkikita naman kami mamayang break.
"Miss Naval. Ikaw naman ang makulit ngayon." Tawag sa kaniya ng prof namin at ako naman ang tumawa sa kaniya. Bleeeh, kala mo ako lang ha. Napapailing na lang ang professor namin pero wala na ring magawa kaya't tumuloy na lang sa lesson.
Dahil nawala na rin naman kahit papaano ang antok ko ay umupo na ako ng maayos para makinig. Ngayon ko lang napansin na ang topic pala namin ay tungkol sa 'Celestial Association and Affinity of Aether users' at kung ano ang iba't ibang application ng skills na ito.
Now it got my attention.
And the more I listen, the more I understand what I wanted to do for the Team Battle. I guess I really need to start drafting out positions and strategies.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasiaThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...