Special Chapter: Reborn

18 7 0
                                    

Special Chapter: Reborn

Faith Tuazon

It hurts...

It hurts...

I can't breathe...

From the moment the Raven got a hold of me, I won't be able to escape its clutches anymore.

I know it.

And I don't regret anything. If I have to save my friends, even at the expense of my own life, I will do it. No matter how many times, I will do it over and over again.

Yeah. I will never regret---

"Faith!" Napamulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nahihilo na ako.

Alam kong sigaw iyon ni Lexine, pero dahil lumalambitin na ako sa kamay ng Raven ay para na akong nabibingi. Nanghihinang hinanap ko ang boses na pinanggalingan nun kahit pa na nanglalabo na ang paningin ko.

Nang magtama naman ang mata naming dalawa at makita ko ang nahihintakutang itsura niya ay para akong nagising sa katotohanan.

Humahagulgol ito habang pilit na tumatakbo at inaabot ako, kahit na hindi naman niya ako kayang abutin. Dahan-dahan ko ring inilibot ang aking paningin at hindi nakalagpas sa akin ang pagpipilit nila Mabel at Denise na magpalabas ng skill para matulungan ako, kahit pa na nakahandusay na sila sa lupa. 

They are trying to give their everything just to save me, kahit maging sila ay hirap na rin. Habang ako, heto, hinahayaan at tinatanggap na lang kung anoman ang mangyayari sa akin. Ni hindi ko man sinusubukang lumaban.

Isang pakiramdam ang biglang bumugso sa dibdib ko.

Ayoko nito.

Kung ganito ang kapalit ng pagbubuwis ko ng buhay ko: ang mga paghihinagpis nila sa nangyari, kung ganito ang makikita ko sa aking huling hininga, at kung ganito ang mararamdaman nila sa panahong wala na ako: Ayoko na nito.

Sacrificing my life suddenly became a selfish sound to me.

It's vain. It felt like I was trying to run away.

Nakaramdam ako bigla ng takot: Takot na mawala sila sa akin. Takot na mawala sa akin ang memorya at pakiramdam noong magkakasama kami. Takot na maiwang mag-isa sa kadiliman. Dahil sa mga naisip, parang nakahanap ako ng panibagong pagkukunan ng lakas— ang huwag maging dahilan ng pag-iyak nila.

I tried squirming. Fighting for my life. For our lives. Tinawag ko agad ang aking weapon at iwinasiwas iyon para itarak sa kamay ng raven. Pero dahil nauubusan na rin ako ng lakas ay hindi iyon masyadong bumaon. Rinig ko pang tumawa ang Raven na akala mo'y nakikiliti lang at hindi ko na napigilang mainis.

Sinubukan ko rin magpalabas ng mga magkakasunod na atake ngunit hindi naging sapat iyon para bitiwan ako ng Raven. Dahil hindi ko mai-focus at ma-project ng maayos ang kapangyarihan ko ay hindi rin iyon tumatama impunto sa kalaban.

Sinubukan kong lumaban, sinubukan ko ring kumawala.

But I guess... it's too late. Too late for me.

Mas lalo lang humigpit ang hawak sa akin ng Raven, at lalo ring naging agresibo ang mga kaibigan ko na maglabas ng atake para tulungan ako. Pero ramdam ko na ang pagod sa katawan ko dahil halos manigas na ang muscles ko at hindi ko na magalaw ang katawan ko. Maging ang mga kaibigan ko ay hingal na ring umaatake pero hindi sila tumitigil.

Hindi sila tumitigil na lumaban.

Dapat ako rin.

For the last time, muli kong inipon ang natitira kong lakas at kapangyarihan sa aking kamay. Palaki ng palaki. Palakas ng palakas. Ramdam ko pa ang init non. Pero bago ko pa man iyon tuluyang mapakawalan, narinig ko na ang tunog ng nabali kong buto at naramdaman maging ang mga naipit kong organs. Mukhang tuluyan na akong pinisil at pinaglaruan ng Raven sa kaniyang kamay.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon