Chapter 24
Mabel Flores
Patuloy kaming nakikiramdaman sa paligid. May aatake ba ulit? Ano kaya sila, mga Ravens ba? Tumayo bigla ang balahibo ko sa takot na baka iyon nga iyon! Pero hindi sila dapat basta-bastang nakakatawid. Hinanda ko ang sarili ko kung sakali man na biglang may lumabas kung saan.
Pero halos maihi ako sa salawal dahil sa gulat nang may sumigaw sa amin ng sobrang lakas. Muntik ko nang mailabas ang weapon ko dahil sa sigaw ni Faith!
"DA-GA!" Sabay turo niya pa sa tumatakbong palayo na itim na daga. "KAKADIRI GUYS! DAGA"
Bigla tuloy siyang nakatanggap ng batok mula kay Lexine.
"Nakakagulat ka!" Sigaw pa niya habang nakahawak sa dibdib niya. Pati sila Natalia at Denise ay halatang nagulat pero natatawa na lang sa nangyari.
"Eh si Mabel kasi eh!" Sabay hampas sa akin ni Faith sa braso.
"Hoy bakit ako? Ikaw nga tong bigla-biglang sumisigaw eh!" Pinitik ko naman ang noo niya.
"Hay nako guys. Tara na nga bago pa magsabunutan yang dalawa na yan." Sabi ni Natalia at umabriseta sa akin. Tuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tinutukoy ni Lexine na pagpapahingahan namin.
Kinausap ni Lex ang landlady at hindi ko akalain na matanda na pala iyon, at agad naman siyang pumayag. Mabait ang landlady at saka wala naman daw masyadong maraming tao ngayon kaya okay lang na magstay kami doon ngayong gabi. Talagang close sila Lex.
Pinagamit niya na sa amin ang isang kuwarto sa second floor. Gusto niya pa sana na tig-iisa kami para daw hindi kami mahirapan sa paggamit ng cr pero sabi namin na okay lang. Nakakahiya iyon syempre dahil libre lang naman.
Ang itsura nung apartment ay may pagka-japanese style. Sliding doors and windows na kulay white and brown. Pati ang sahig ay kahoy ang gamit.
Nag-ayos kami ng higaan namin sa lapag. Japanese style pala talaga dahil ang higaan namin ngayon ay ang tinatawag na Futon. Yung higaan ng mga japanese na makapal na tela na parang comforter sa lapag. Tapos unan at kumot.
"Ano, okay lang ba kayo jan?" Tanong ni Lex ng pumasok siya sa kuwarto namin.
"Yup!" Sagot ko naman. "Dito ka na lang rin kasing matulog."
"Kaya nga! Para tabi tabi tayo!" Nakangiting yaya ni Faith.
"Sige na please!" Pangkukumbinsi ni Denise.
"Oo nga girl. Dito ka na. Minsan lang naman to!" Segunda ni Natalia pagkalabas niya ng CR. Oh di ba? The power to convince. Haha.
"Haha. Oo na. Ang dami niyo pang sinabi. Kukuhain ko lang yung iba kong gamit sa baba pati yung higaan ko. Saka maliligo na rin muna ako dun." Sabi niya at agad naman kaming napa 'Yehey!'
Lumabas na siya kaya humiga muna ako saglit at inopen ang hologram ng ID bracelet ko. Ako pa kasi huling magshoshower sa aming apat at si Denise palang ang nasa loob.
Iniiscan ko yung mga profiles na sinend kanina sa amin ni Sir Chief. Nirereview ko yun isa-isa para kung maghahanap na kami bukas ay medyo madali na lang.
Grabe, ilang minuto na akong lipat ng lipat ng lipat pero parang hirap akong iabsorb lahat ng information nila. Paano ba naman kasi, napakarami nitong kailangan namin isa-isahin. How will we know who's the Origin from the list just by looking at them? Mahirap pa man ding magpalabas ng simbolo, pero yun lang ang tanging paraang sinabi ni Azure para makilala ang gaya namin.
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasíaThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...