Chapter 29: Skill

50 6 0
                                    

Chapter 29

Mabel Flores

Napatakip ako ng bibig para humikab at sumalampak sa inuupuan ko. Antok na antok ako ngayong araw. Paano ba naman kasi, hindi mawala sa isip ko yung ginawa ni Owen kahapon kaya halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Inihiga ko sa mesa ang ulo ko at pumikit para sana makaidlip pa kahit kaunti. Maya maya ay may narinig akong tumabi sa akin. Nasa room na kasi ako eh.

"Aba Mabel. Ang aga mo ngayon ah!" Sabi ng kung sino.

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang kaibigan kong nakangiting nakatingin sa akin. Matangkad, maputi, at maganda si Jasmin. Madali ko siyang nakaclose dahil ang lakas ng trip niya.

Kadalasan kasi ay inuubos ko ang oras ko kasama si Faith bago ang oras ng pasok, kaya lang ay di niya ako tinantanan ng asar niya kanina eh.

"Grabe ka naman, Jas. Never naman akong nalate no." Sabay higa ko ulit ng ulo ko sa mesa. Grabe! Antok na antok talaga ako! Napahikab pa ako ulit.

Tumawa siya. "Alam ko naman. Jinojoke lang kita. Ang high blood mo."

"Magbiro ka na sa lasing. Wag lang sa walang tulog." Sabi ko sa kanya ng nakapikit na. Iningusan ko pa siya at tumawa siya.

"Nasan na si Mina?" Tanong ko naman sa kanya. Si Carmina ay naging kaibigan ko rin na fire user na Tyro. Kaklase namin siya ni Jas.

Nagkibit balikat siya pagkatapos ay binalingan ang kanyang kuko. "Ewan ko lang. Di pa kami nagkikita mula kanina eh." Tatanungin ko pa sana siya pero nagulat ako ng sumigaw siya. "Oh. Anjan na pala si Carmanyak!" Sabay tawa ni Jas.

"Hoy, anong Carmanyak ka jan!" Mataray na sabi naman ni Mina kay Jas.

Natawa ako ng bahagya kahit nakahiga. Si Mina kasi ay may pagka green minded. Mahilig sa boys and toys. You know what I mean. Ewan ko nga bakit nakaclose ko yung babaitang yan. Mabait rin naman kasi siya kahit mataray minsan.

"Oh e ano pala dapat? Carmahinhin? Hindi. Hindi ka ganon!" Asar pa sa kanya ni Jasmin.

Ayun, hindi ako makaidlip kakatawa.

"Ewan ko sayo. Pero alam niyo ba guys," excited na baling naman ni Mina. Inangat ko ang ulo ko para pakinggan ang chismis niya. "Balita ko ay tuturuan na daw tayong gumawa ng skill!" Sabay palakpak niya.

Napakunot ang noo ko. Wala akong ideya sa sinasabi niya. Si Jasmin naman ay napakunot rin ng noo sa pagtataka.

"Ha? Hindi ba sa second year pa yun tinuturo? First year palang tayo ah. Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Jas.

Nagkibit balikat si Mina. "Ewan ko lang, hindi ko din alam eh. Basta narinig ko lang na pinag-uusapan sa kabilang section." Sagot niya. Lalong kumunot ang noo ni Jas. Magtatanong pa sana siya pero nagsalita na ako.

"Anong meron? Anong skill ang sinasabi niyo?" Singit ko sa kanila. Binalingan nila akong dalawa ng tingin.

"Ay. Hindi mo ba alam?" Tanong ni Jasmin sa akin.

Inirapan ko siya. "Itatanong ko ba kung alam ko?" Nakangisi kong sabi. Tumawa naman sila ni Carmina. Talagang pag nakahanao ng tyempo eh barahan ang hilig namin eh haha.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon