Chapter 66
Faith Tuazon
November 8, Thursday
Hindi ko alam ilang beses akong napakurap kurap nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Naiinis mang imulat ko ang aking mata dala ng sobrang kaantukan ay wala akong nagawa kundi ang hayaang tamaan ng init na sumisilip sa aming kurtina ang aking pisngi.
Napadaing ako nang maramdaman ang kakaibang sakit ng katawan mula sa isang linggong exam namin. Hindi ko ito masyadong pinansin kahapon dahil kasama ko si Caleb, pero ngayon para yata akong hihimatayin sa namamaga kong muscles.
Hay, grabe naman kasi. Pinagsimula agad kami ng pasok. Hindi ba pwedeng magpahinga na lang muna kahit pang araw?
Faith. Bulong ni Haru sa akin at hinanap ko pa muna kung nasaan siya dahil hindi ako makatayo. Pupwede ka namang bumisita ng clinic mamaya para magpatingin.
Ako tuloy ang napaisip saglit bago bumungisngis sa kaniya. Hehe, oo nga no.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame ng silid at ang sabog sabog na buhok ni Mabel na nagkalat sa unan. Nakadantay rin ito sa akin kaya kahit gusto ko nang mag-ayos ng sarili ay hindi ko magawa.
Ito ang unang araw na papasok kami bilang Advance student. Siyempre kinakabahan pa rin ako. Kaya kailangan kong maging presentable kahit papaano, no?
Dahan dahan kong inalis ang braso ni Mabel na nakayakap sakin pero halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses sa aking isip. Sapat iyon para magising ang buong pagkatao ko.
"Good morning, beautiful."
"Holy sh--- Caleb!" I gasped in shock.
I heard him chuckle. "Did I surprise you?"
"A little." I answered while shaking my head. Loko loko, sino ba hindi magugulat kung biglang may magsasalita sa isip mo na 'di mo nakikita. Hindi naman siya gaya ni Haru na nasa tabi ko lang. Di ba?
Tumango-tango sa akin si Haru na nasa paanan ko bilang pagsang-ayon at nginisihan ko naman ito.
"Today's your first day as Advance. Good luck." Pagbati nito at may kung anong lumilipad lipad sa aking sikmura. Mas lalo tuloy lumaki ang ngisi ko nang hindi namamalayan. Enebe.
"Baka naman may pa-tips ka diyan kung ano ang aasahan ko sa kanila." Biro ko naman sa kaniya para may mapagusapan.
Saglit siyang napaisip at hindi ko maiwasang ma-imagine ang hitsura niya sa mga oras na ito. Lying in his bed with his disheveled brown curls and sleeping clothes, his eyes dreamy from just waking up, and his lips... oh his lips---
Napatigil ako sa ini-imagine nang marinig ang boses niya sa aking isip at napaubo ako sa gulat at hiya na baka pati yung mga ganong tumatakbo sa isip ko ay mabasa niya rin. Goodness, Faith! You gotta be careful!
"Anong nangyari? Okay ka lang ba?"
Pilit akong tumawa habang umuubo pa rin sa nagbarang laway. "O-Okay lang ako. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"I said... you just got to be careful. You know how Luna students are when it comes to newcomers. They'll try to intimidate you." Aniya at unconsciously akong napatango tango na akala mo'y magkaharap talaga kami. "But there's nothing to worry about. Advance students are more reasonable and rational than Tyros."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Well..." I can imagine him shrugging his shoulders. "You'll see when you get there."
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasiThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...