Chapter 48.5: The Competitors (con't)

17 3 0
                                    

Chapter 48.5

Lexine Gonzales

"Lexine Gonzales. Please come here." Mahinang anunsyo ni Sir Clinton at hindi ko na maintindihan kung anong klaseng tingin ang ibinibigay niya sa akin. Teka, hindi ko naman ginusto ito ahh. Bakit kaya ganiyan sila makatingin sa akin.

"Lex, come on." Mahinanong akay sa akin ni Kuya Sef at inalalayan akong tumayo. "You have to go there."

"P-Pero, I'm n-not.. A-Ayoko.." putol putol ang lumalabas sa bibig ko at mabibigat ang paang lumakad ako papunta sa tabi ni Sir Clinton, ang kaniyang mga mata ay sinusuri ang kabuuan ko kung paanong sinuyod niya rin ako ng tingin nung panahong sorting of Houses.

"Kaya mo yan girl.." Pag cheer naman sa akin ng mga kaibigan ko, bagaman mahina ay rinig na rinig ko dahil sa katahimikan ng lugar.

Naninigas ang katawang tumayo ako sa tabi ni Sir Clinton, hindi malaman kung anong gagawin sa daliri, sa paa, sa katawan, para akong kiti kiti na hindi mapakali. Saka naman nagdagsaan ang mga violent reactions at pagtutol sa iba't ibang sulok ng cafeteria.

"What?! Hindi ba Tyro yan? Why would she be chosen as the leader?"

"At isa pa, bagong salta lang ang mga Aether users rito sa school. Anong maitutulong niya?"

"Nandiyan naman yung ibang Royals, bakit hindi sila ang napili?"

"You think nandaya siya? Yun lang ang explanasyon sa nangyayari ngayon."

"Now we're sure na sa House of Luna na naman ang panalo. We shouldn't expect anything from her."

"Goodness! I want to get out already. Nakakawalang gana..."

Ilan sa mga salitang rinig na rinig ko at gusto ko nalang lamunin ng lupa. All these insecurities are ringing in my head, hindi ko alam kung paano ko haharapin. Nakita ko pa ang mga kaibigan ko na naiinis sa mga tao sa paligid, pero walang magawa dahil sa dami ng tutol ngayon.

Isa pa, iyon rin naman ang katotohanan.

"Silence!" Hindi ko napansin na tumayo na rin pala si Kuya Sef sa gitna at inagaw ang atensyon ng mga taong naroroon sa malakas niyang tinig. "Lahat ng tutol ngayon, stand up. But once you do, I assume you're ready and willing to take her place."

Ang kaninang mga bulungan ay nawala bigla, tila natakot kay Kuya. I unconsciously tried to hide behind Sir Clinton's back, pero hinawakan niya ang braso ko. "Don't hide. You don't have anything to be afraid of." Ang kaninang masungit na tingin ay naging kalmado na ngayon. Somehow, I felt relieved. Akala ko pati siya ang galit sa akin.

"Kapatid mo kasi siya kaya mo pinagtatanggol!" Rinig kong sigaw ng isa mula sa mesa ng mga Advance pero hindi ko siya nakita dahil medyo madilim na sa parteng iyon.

"Aba't!" Napatayo naman si Denise sa kaniyang inuupuan pero mabilis naman siyang pinigilan ni Talie na halatang iritado na rin ngayon. Lumingon naman sila sa gawi ko at ngumiti ng marahan, reassuring me that everything will be just fine.

"Try me." Tumayo ng tuwid si Kuya Sef at diretsong tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon, para bang nakikita at kilala niya ang nagsalita na yun. "You seem to forget my place. I would like to remind you, that I am still the Student President of House of Astron. I can make decisions, without consulting the House Heads." Lumingon ito kay Sir Clinton at tumango.

Sir Clinton seems to agree with Kuya Sef dahil hindi niya ito pinipigilan. Mukhang totoo nga ang sinasabi niya, kaya't hindi ko maiwasang hangaan siya.

Bigla ko namang nakita ang isang kulay puting pusa na papalapit sa akin at agad kong napagtanto na si Yuan iyon! Tumalon ito papunta sa akin at agad kong sinalo ang maliit niyang katawan.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon