Chapter 34: Knight in not so Shining Armour

49 5 0
                                    

Chapter 34

Mabel Flores

Saturday. Thank goodness at sabado na! Araw na ngayon ng pahinga after a week of mental and physical strain. Araw ngayon na dapat pupunta kami ng City Proper para mag enjoy at ma-appreciate naman namin ang ganda ng isla ng Avalon, dahil simula ng tumapak kami rito ay hindi namin iyon nagawa sa dami ng quest namin. Pero hindi. Hindi! Today's not our lucky day! Gusto ko na lang maiyak sa kamalasan namin.

Ipinagbawal ni Headmaster na pumunta ang mga estudyante ng Avalon sa City Proper ngayon dahil sa nalalapit na exam. Take note, this week na iyon! At aligaga na ang mga estudyante sa pagrereview at pagte-train sa kanilang mga sarili. Lalo na kaming mga Tyro.

Pero ang mga Royals ay pupwedeng pumunta roon ngayong weekend. So unfair! Sana ay kami din. Ngunit wala naman kaming nagawa kundi ang magmukmok na lang.

"Argh!" Inis na sigaw ni Rachel, yung ka-dorm kong Earth User. Napakamot siya sa ulo niya at inis na bumangon sa higaan.

Nilingon ko ang baklita habang nakahiga pa sa kama at yakap si Akame. Kakagising niya lang at mukhang naalimpungatan sa sigaw ni Rachel. "Problema mo, girl?" Tanong ko habang hinahaplos ang balahibo ni Akame.

Ang lambot lambot!

"Eto kasing mga kasama ko sa Earth Class, nag-aaya ng duel training. Ang aga aga pa! Gusto ko pa matulog ih!" reklamo niya sa usual irritated voice niya. Yung matinis at mataas na boses.

Napatawa ako ng mahina sa kanya. "Haha. Good luck!" Pang-aasar ko.

"Ewan ko nga sayo!" Sabay dampot niya ng stuffed toy at hagis sa akin, na mabilis ko rin naming naiwasan. Tinawanan ko na siya ng tuluyan at saka siya dumeretso sa CR.

Wow. Parang bumibilis na ang reflex ko ah!

Nilingon ko ang ID bracelet ko at nakitang pass eight o'clock na pala kaya ako ginugutom na. Nagsimula na akong bumangon at nagstretching. Nakita kong gayon rin si Akame kaya napangiti ako.

Good morning, Akame!

Tumahol siya sa akin. Magandang umaga rin, Mabel. Kamusta ang tulog mo?

Maayos naman. Ang sarap lang matulog ng mahimbing pagka hindi maaga ang gising. Hehe. Ngunit bigla kong naalala ang mga nalaman namin kagabi at pati na rin yung mga tingin sa akin ng mga taga Luna. Sumikdo bigla ang puso ko at sumikip ang dibdib ko.

Naramdaman kong lumapit si Akame sa paanan ko at hinaplos ang kanyang ulo sa aking binti. Mabel, ayos ka lang ba?

Napangiwi ako sa naramdaman at yumuko kay Akame na nag-aalalang nakatingin sa akin. I awkwardly smiled. Oo naman, nagugutom lang ako. Tara, kumain na tayo sa House.

Wala na siyang sinabi kundi tumitig na lang, ngunit ilang sandali rin bago siya tumango. Hay, buti na lang nandito si Akame pati na ang mga kaibigan ko para pagaanin ang loob ko. Nang lumabas na si Rachel sa CR ay agad naman akong pumasok roon at doon na ipinagpatuloy ang malalim na pag-iisip.

--

Bitbit ko si Akame nang pumasok ako sa House ng Luna. Maraming estudyante ang nagkalat sa paligid, hindi gaya ng usual weekends na umaalis ang karamihan. Wala eh, pinagbawalang umalis kasi. Buti pa yung mga Royals.

Halos lahat kami ay mga naka casual clothes lang, except sa ibang may make-up classes or duel trainings na kinakailangang mag-uniform. Pero since kakain lang naman ako ay naka plain peach dress ako na abot hanggang tuhod ang haba, sleeves na hanggang siko at see through, at may kaunting lines and curves na nakaimprinta bilang disenyo. Binagayan ko lang iyon ng doll shoes. Ang iba naman ay naka-pants or skirts.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon