Chapter 47: Shadow Domain

16 2 0
                                    

Chapter 47

Lexine Gonzales

September 2, 5:30pm

Mula sa dilim ay naaninag namin ang papalapit na pigura ni Sir Darren, pero nang tuluyan siyang makalapit ay saka ko lamang napansin na kasama niya rin pala ang mga mentors ng mga kaibigan ko.

Mabilis naman kaming natahimik at napatayo sa aming inuupuan para magbigay ng respeto. Bakit kaya sila narito? Wala naman kaming natatanggap na mensahe mula sa kanila na magkikita kami ngayong araw.

Gumala ang kanilang mata sa magulong mesa at napapikit ako bigla sa hiya. Goodness! Hindi naman namin alam na pupunta sila ng ganitong oras kaya hindi kami nagligpit kaagad.

Dahan-dahan namang inayos nila Denise at Faith ang ilang librong nagkalat pero natawa nalang sila Ms. Valerie at Ms. Sam sa kanilang estudyante.

"That's okay. Looks like you're having a hard time?" Makahulugang ngiti sa amin ni Ms. Yvonne habang tinititigan ang mga libro. Nakangiti siya, pero nakakunot ang kanilang mga noo. May nangyari na naman bang hindi maganda?

"Hehe. Medyo po, mahirap po kasi mag-isip isip ng mga bagay na hindi namin alam kung saan po kami magsisimula." Sagot ni Talie sa kaniya na tinanguhan naman namin.

Bumuntong hininga naman si Ms. Sam, "We all know this is hard for you, pero wala kaming maitutulong sa inyo sa ganitong sitwasyon dahil sa inyo talaga ito nakaatang. But rest assured, if you need our help, we'll always be right here."

I gulped to prevent myself from getting teary eyed. Na-touch naman kami sa mga sinabi nila kaya't napangiti na rin sila ng tuluyan nang makitang nakakangiti pa naman kami.

"The only way we can help you is to teach you all the things you need to learn and master them. So today, we'll be having a visit in a certain place and push you to use your power at its maximum level. This is to get you ready for the future." Ani Sir Harris.

My friends and I exchanged confused and surprised gazes. All of a sudden? Teka, ano ito? Bakit hindi nila kami sinabihan agad? We are grateful for their kind words, but we're also mentally exhausted sa mga ginawa naming paghahanap ng clue.

"S-saan po tayo pupunta?" My voice quivered from shock and I had to swallow the lump in my throat.

No one answered. Instead, Sir Darren, my mentor, stretched out his hands and whispered a what seems an enchantment. White light filled the darkness of the room and a portal appeared in our midst. He then answered without looking at me, "We're going to the Shadow Domain."

What?

Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko at halos mahilo pa ako nang marinig iyon. Pero bago pa man kami makapalag ay nilamon na kami ng puting liwanag. Hindi nawala sa paningin ko ang mabilis na pagkilos ng aming Spirits para sumunod sa amin. Ilang segundo rin kaming paikot-ikot bago ko naramdaman ang lupa sa aking mga paa.

I sniffed an unfamiliar scent and cold breeze from the air. And when I raised my gaze, we're in a different world.

I can feel Yuan's reassuring presence, but it didn't stop me from getting scared. My feet trembled and my body won't move. My heart felt like its bursting from fear of the unknown. I looked around the world denied of life, the world same as ours but without life force.

The Shadow Domain.

"Raise your shields." Pagkarinig ko sa sabi ni Sir Harris ay mabilis ko iyong ginawa dala ng pagkataranta. Gayun rin naman ang ginawa ng mga kaibigan ko. The same fear written across our faces. "We will only scout the area quickly, pero babalik rin tayo kaagad. We just wanted you know the situation here if ever the worse case scenario happens, so you'll know how to counterattack, and to teach you to be on your guard, every time." May diin ang huling salita.

The Origins: Elementals (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon