Chapter 39
Mabel Flores
Kasalukuyang lunch break namin ngayon pagkatapos ng first set ng battle part ng exam namin. Puno ng mga estudyanteng pagod ang cafeteria kaya't medyo magulo at maingay ang paligid. Gayunpaman ay sinubukan naming makakain ng payapa.
"Grabe! Muntik na akong matalo nun talaga! Buti na lang naubusan siya agad ng stamina. Whoo!" Saad ni Carmina nang isubo ang panghuling pagkain.
Natawa naman ako sa kanya. "Grabe ka kasi! Tinuyot mo ba naman. Sino bang hindi manghihina pagka ganun kainit?" Sagot ko. I learned that Mina's special ability is Endothermic Reaction, as she called it.
Endothermic Reaction is characterized by the absorption of heat. In her case, she can't absorb heat with her body. Instead, she can only accumulate heat from outside and contain it on a specific and smaller area, resulting to increased temperature, up to 45 degrees celsius that lasts for only 3 minutes. Ganun palang daw kasi kainit at katagal ang kaya niyang gawin.
In short, kaya niyang ipunin ang heat o init sa isang mas maliit na lugar o kwarto kaya tumataas ang temperatura rito at umiinit pang lalo.
Ang astig non! Pero parang ayokong gamitin niya yun kapag magkasama kami dahil napakainit na sa Earth! Wag na siyang dumagdag. Haha.
She flipped her hair and winked. "Syempre ganun ako kagaling!"
"So anong ibig mong sabihin? Ako lang ang hindi nanalo sa ating apat? Ha? Yun ba yon?" Sarcastic na sabi naman ni Jas kaya tumahimik ako kasi baka bigla niya akong sisihin.
"Hmm. Hindi naman yun ang pinopoint ko, pero parang ganun na nga. Haha!" Patuloy na pang aasar naman ni Mina.
"Huy. Baka magalit siya." Natatawang saad rin ni Arianne. Napangiti ako ng tumingin sa kanya, at least nakikipagbiruan na siya sa amin kaya natutuwa ako. Speaking of Ari, parang hindi ko nakita ang special ability niya kanina, o kung meron man. Parang puro spirit force lang siya at weapon kanina.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
"Hindi ko kasalanan yon. Sisihin niyo si Mabel! Ang lakas na niya eh!" Sabay turo niya sa akin.
Napataas naman ako ng dalawa kong kamay sa ere, parang sumusuko. "Oh? Anong kasalanan ko? At hindi naman ako malakas. Magaling lang ako mag-isip." Then I winked and laughed with them.
Ilang saglit lang ay tumunog ang speakers sa buong cafeteria at buong hall ng House of Luna, tanda na may announcement.
Attention, students. Please be reminded that the next part of your examination will start in 5 minutes. Please proceed to your respective areas and clean as you go. Thank you.
Mabilis na kaming kumilos upang ligpitin ang aming pinagkainan at nagmamadaling tinahak ang itim at puting tiles ng House of Luna papuntang training room.
Hm, parang may kulang? Napansin ko na pagkatapos ng laban ko kanina ay tumahimik na si Akame. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw niya lang ako mawala sa focus kaya ganun. Nagsasalita lang siya pagka chini-cheer niya ako. Haaaay, namimiss ko na siyang yakapin. Mamaya talaga lamog sa akin yun!
Nang makarating na sa room na pinanggalingan namin kanina ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si Sir Phil at agad na pinapwesto ang mga estudyante sa palibot ng cube. Pagkatapos ay nagtawag na ng unang pares na maglalaban para sa ikalawang set.
"Audrey De Leon at Hannah Verona!" Tawag nito at pagkatapos ay tumayo na ang dalawa.
Walang paliguy-ligoy na nagsimula ang dalawang babae sa kanilang exam habang tahimik naman akong nanunuod. Bukod sa ilang galos na tinamo kanina at sa pagod, at kakakain ko lang kaya't para na akong inaantok. Gusto ko munang matulog!
BINABASA MO ANG
The Origins: Elementals (Under Major Revision)
FantasyThe Origins: Elementals This is the first book of The Origins. No, this is no fairy tale... or dream. It's real. This is a world where magic is real. - The girl squad didn't know what lies beyond the sea and the horizon. Not until strangers come run...